Mateo 15:19-20
Ang Biblia (1978)
19 Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:
20 Ito ang mga bagay na nangakakahawa sa tao; datapuwa't ang kumaing hindi maghugas (A)ng mga kamay ay hindi makakahawa sa tao.
Read full chapter
Marcos 7:21-23
Ang Biblia (1978)
21 Sapagka't mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya,
22 Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan:
23 Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao.
Read full chapter
Levitico 20:23
Ang Biblia (1978)
23 (A)At huwag kayong lalakad ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansang aking palalayasin sa harap ninyo: sapagka't ang lahat ng kasamaang ito ay ginawa nila, at (B)kaya ko kinapopootan.
Read full chapter
Deuteronomio 18:12
Ang Biblia (1978)
12 Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at (A)dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978