Juan 6:5
Ang Biblia (1978)
5 Itinanaw nga ni Jesus ang kaniyang mga mata, at pagkakita na ang lubhang maraming tao'y lumalapit sa kaniya, ay sinabi kay (A)Felipe, Saan tayo magsisibili ng tinapay, upang mangakakain ang mga ito?
Read full chapter
Juan 6:7
Ang Biblia (1978)
7 Sumagot si Felipe sa kaniya, Hindi magkakasiya sa kanila ang dalawang daang denariong tinapay, upang makakain ng kaunti ang bawa't isa.
Read full chapter
Juan 12:21-22
Ang Biblia (1978)
21 Ang mga ito nga'y nagsilapit kay (A)Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.
22 Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres: lumapit si Andres, at si Felipe, at kanilang sinabi kay Jesus.
Read full chapter
Juan 14:8-9
Ang Biblia (1978)
8 Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.
9 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? (A)ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978