Jonas 3:7-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 At ipinasabi niya sa mga taga-Nineve, “Ito'y utos ng hari at ng kanyang mga pinuno. Walang dapat kumain ng anuman. Wala ring iinom, maging tao o hayop. 8 Lahat ng tao at hayop ay magdamit ng panluksa. Taimtim na manalangin sa Diyos ang bawat isa. Pagsisihan ng lahat ang nagawa nilang kasalanan at iwan ang masamang pamumuhay.
Read full chapter
Ester 4:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pinakiusapan ni Mordecai si Ester na Mamagitan
4 Nang malaman ni Mordecai ang lahat ng nangyari, pinunit niya ang kanyang kasuotan. Nagsuot ng damit-panluksa, naglagay ng abo sa ulo, at naglibot sa buong lunsod, at malakas na isinisigaw, “Ang nais nilang lipulin ay isang lahing walang kasalanan!” 2 Nang umabot siya sa pasukan ng palasyo huminto sapagkat hindi pinapayagang pumasok roon ang sinumang nakasuot ng damit-panluksa. 3 Ang mga Judio naman sa bawat lalawigang naabot ng utos ng hari ay nanangis, nagsuot ng damit-panluksa at naglagay ng abo sa ulo.
Read full chapter