Isaias 6:9-10
Magandang Balita Biblia
9 At(A) sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga tao:
‘Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa;
tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakakita.’
10 Papurulin mo ang kanilang kaisipan,
kanilang pandinig iyo ring takpan,
bulagin mo sila upang hindi makakita,
upang sila'y hindi makarinig, hindi makakita, at hindi makaunawa.
Kundi'y baka magbalik-loob sila at sila'y pagalingin ko pa.”
Ezekiel 12:2
Magandang Balita Biblia
2 “Ezekiel,(A) anak ng tao, nasa gitna ka ng isang mapaghimagsik na bayan. May mga mata sila ngunit hindi nakakakita; may mga tainga ngunit hindi naman nakakarinig
Read full chapter
Marcos 8:18
Magandang Balita Biblia
18 Wala(A) ba kayong mata? Bakit hindi kayo makakita? Wala ba kayong tainga? Bakit hindi kayo makarinig? Hindi ba ninyo naaalala
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.