Isaias 30:26
Ang Biblia (1978)
26 Bukod dito'y (A)ang liwanag ng buwan ay magiging gaya ng liwanag ng araw, at ang liwanag ng araw ay magpipito, na gaya ng liwanag ng pitong araw, sa araw na talian ng Panginoon ang sugat ng kaniyang bayan, at pagalingin ang bugbog na kanilang sugat.
Read full chapter
Isaias 60:19-20
Ang Biblia (1978)
19 Ang araw ay (A)hindi na magiging iyong liwanag sa araw; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag: kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang (B)liwanag, at ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian.
20 Ang iyong araw ay (C)hindi na lulubog, o ang iyo mang buwan ay lulubog; sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos.
Read full chapter
Apocalipsis 21:23
Ang Biblia (1978)
23 At ang bayan ay (A)hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka't nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978