Isaias 2:2
Ang Biblia (1978)
2 At (A)mangyayari (B)sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; (C)at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon.
Read full chapter
Isaias 56:7
Ang Biblia (1978)
7 Sila ay dadalhin ko (A)sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking bahay na dalanginan: (B)ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; (C)sapagka't ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa (D)lahat ng mga bayan.
Read full chapter
Isaias 60:3
Ang Biblia (1978)
3 At ang mga bansa ay (A)paroroon sa iyong liwanag, (B)at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat.
Read full chapter
Isaias 60:5
Ang Biblia (1978)
5 Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka, at ang iyong puso ay titibok at lalaki; sapagka't (A)ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo.
Read full chapter
Isaias 66:19
Ang Biblia (1978)
19 (A)At ako'y maglalagay ng tanda sa gitna nila, at aking susuguin ang mga nakatanan sa kanila sa mga bansa, sa Tarsia, Pul, at Lud, na nagsisihawak ng busog, sa Tubal at Javan, sa mga pulong malayo na hindi nangakarinig ng aking kabantugan, o nakakita man ng aking kaluwalhatian; (B)at sila'y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978