Genesis 31:13
Ang Biblia (1978)
13 (A)Ako ang Dios ng Betel, na doon mo pinahiran ng langis ang batong pinakaalaala, at doon ka gumawa ng panata sa akin: ngayo'y (B)tumindig ka, umalis ka sa lupaing ito, at bumalik ka sa lupaing pinanganakan sa iyo.
Read full chapter
Genesis 31:45
Ang Biblia (1978)
45 At (A)kumuha si Jacob ng isang bato, at itinindig na pinakaalaala.
Read full chapter
Genesis 35:14
Ang Biblia (1978)
14 (A)At si Jacob ay nagtayo ng isang batong pinakaalaala sa dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios, haliging bato: at binuhusan niya ng isang inuming handog at binuhusan niya ng langis.
Read full chapter
1 Samuel 7:12
Ang Biblia (1978)
12 Nang magkagayo'y kumuha si Samuel ng (A)isang bato, at inilagay sa pagitan ng Mizpa at ng Sen, at tinawag ang pangalan niyaon na Ebenezer,[a] na sinasabi, Hanggang dito'y tinulungan tayo ng Panginoon.
Read full chapterFootnotes
- 1 Samuel 7:12 Sa makatuwid baga'y batong pangtulong.
2 Samuel 18:18
Ang Biblia (1978)
18 Si Absalom nga sa kaniyang kabuhayan ay nagpasiya at nagtayo sa ganang kaniya ng (A)haligi, na pinaka alaala, na nasa (B)libis ng hari: sapagka't kaniyang sinasabi, (C)Wala akong anak na magiingat ng alaala ng aking pangalan: at kaniyang tinawag ang haligi ng ayon sa kaniyang sariling pangalan: at tinawag na monumento ni Absalom, hanggang sa araw na ito.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978