Exodo 6:7
Ang Biblia (1978)
7 (A)At kayo'y aking aariin na pinakabayan ko at ako'y magiging sa inyo'y Dios, (B)at inyong makikilala na ako'y si Jehova ninyong Dios, na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio.
Read full chapter
Levitico 11:45
Ang Biblia (1978)
45 (A)Sapagka't ako ang Panginoon na nagsampa sa inyo mula sa lupain ng Egipto, upang ako'y inyong maging Dios: kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal.
Read full chapter
Levitico 19:36
Ang Biblia (1978)
36 (A)Timbangang matuwid, panimbang na matuwid, epa[a] na matuwid at hin[b] na matuwid ang aariin ninyo: ako ang Panginoon ninyong Dios na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto.
Read full chapterFootnotes
- Levitico 19:36 Ang isang epa ay katimbang ng 30 litro.
- Levitico 19:36 Ang isang hin ay katimbang ng 6 na litro.
Levitico 25:38
Ang Biblia (1978)
38 (A)Ako ang Panginoon ninyong Dios, na inilabas ko kayo sa lupain ng Egipto, upang ibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan, at ako'y maging inyong Dios.
Read full chapter
Levitico 25:42
Ang Biblia (1978)
42 (A)Sapagka't sila'y aking mga lingkod, na aking inilabas sa lupain ng Egipto; sila'y hindi maipagbibiling parang mga alipin.
Read full chapter
Levitico 25:55
Ang Biblia (1978)
55 Sapagka't sa akin ang mga anak ni Israel ay (A)mga lingkod; sila'y aking mga lingkod na aking inilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Read full chapter
Levitico 26:45
Ang Biblia (1978)
45 Kundi aalalahanin ko alangalang sa kanila ang tipan ng kanilang mga magulang, (A)na aking inilabas sa lupain ng Egipto, (B)sa paningin ng mga bansa, upang ako'y maging kanilang Dios: ako ang Panginoon.
Read full chapter
Mga Bilang 15:41
Ang Biblia (1978)
41 Ako ang Panginoon ninyong Dios, na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang maging inyong Dios: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978