Exodo 32:32-33
Magandang Balita Biblia
32 Ipinapakiusap(A) ko pong patawarin na ninyo sila. Kung hindi ninyo sila mapapatawad, burahin na rin ninyo sa inyong aklat ang aking pangalan.”
33 Sumagot si Yahweh, “Kung sino ang nagkasala sa akin ay siya kong buburahin sa aking aklat.
Read full chapter
Mga Awit 69:28
Magandang Balita Biblia
28 Sa(A) aklat ng buhay, burahin ang ngalan,
at huwag mong isama sa iyong talaan.
Pahayag 20:12
Magandang Balita Biblia
12 Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat.
Read full chapter
Mateo 10:32
Magandang Balita Biblia
Pagpapatotoo kay Cristo(A)
32 “Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.
Read full chapter
Lucas 12:8
Magandang Balita Biblia
Pagkilala kay Cristo(A)
8 “Sinasabi ko rin sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.