Exodo 24:3
Ang Biblia (1978)
3 At lumapit si Moises at isinaysay sa bayan ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at ang lahat ng mga palatuntunan. At ang buong bayan ay sumagot ng paminsan, at nagsabi, (A)Lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon, ay aming gagawin.
Read full chapter
Exodo 24:7
Ang Biblia (1978)
7 At kaniyang kinuha ang aklat ng tipan, at binasa sa pakinig ng bayan: at kanilang sinabi, Lahat ng sinalita ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay magmamasunurin.
Read full chapter
Deuteronomio 5:27
Ang Biblia (1978)
27 Lumapit ka, at iyong pakinggan ang lahat ng sasabihin ng Panginoon nating Dios: at (A)iyong salitain sa amin, yaong lahat na sasalitain sa iyo ng Panginoon nating Dios; at aming didinggin, at gagawin.
Read full chapter
Deuteronomio 26:17
Ang Biblia (1978)
17 Iyong ipinahayag sa araw na ito na ang Panginoo'y iyong Dios, at ikaw ay lalakad sa kaniyang mga daan, at iyong gaganapin ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga hatol, at iyong didinggin ang kaniyang tinig:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978