Exodo 22:25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
25 “Kapag(A) nangutang sa inyo ang mga kababayan ninyong mahihirap, huwag kayong hihingi ng tubo, tulad ng ginagawa ng mga nagpapatubo.
Read full chapter
Levitico 25:35-37
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pagpapautang sa Mahihirap
35 “Kung(A) ang isang kababayan ninyo ay naghirap at hindi na niya kayang buhayin ang sarili, kupkupin ninyo siya tulad ng isang dayuhang nakikipamayan sa inyo. 36 Huwag ninyo siyang patutubuan kung siya'y mangutang sa inyo. Matakot kayo sa Diyos, at hayaan ninyo itong mabuhay na kasama ninyo. 37 Huwag(B) ninyong patutubuan ang pera o pagkaing inutang niya sa inyo.
Read full chapter
Deuteronomio 23:19-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
19 “Huwag(A) kayong magpapautang nang may tubo sa inyong kapwa Israelita, maging pera, pagkain o anumang maaaring patubuan. 20 Maaari ninyong patubuan ang mga dayuhan ngunit hindi ang inyong kapwa Israelita upang pagpalain kayo ni Yahweh sa inyong mga gawain pagdating ninyo sa lupaing ibibigay niya sa inyo.
Read full chapter