Exodo 22:18
Ang Biblia (1978)
18 (A)Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway.
Read full chapter
Deuteronomio 18:10-11
Ang Biblia (1978)
10 Huwag makakasumpong sa iyo ng (A)sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, (B)o nanghuhula (C)o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway,
11 (D)O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o (E)sumasangguni sa mga patay.
Read full chapter
1 Samuel 28:3
Ang Biblia (1978)
3 Si (A)Samuel nga ay namatay, at pinanaghuyan ng buong Israel at inilibing siya sa (B)Rama, sa makatuwid baga'y sa kaniyang sariling bayan. At (C)pinalayas ni Saul sa lupain, yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga manghuhula.
Read full chapter
1 Samuel 28:7
Ang Biblia (1978)
7 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod, Ihanap ninyo ako ng isang babae na (A)nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, upang ako'y pumaroon sa kaniya, at magusisa sa kaniya. At sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya. Narito, may isang babae na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu sa (B)Endor.
Read full chapter
1 Samuel 28:9
Ang Biblia (1978)
9 At sinabi ng babae sa kaniya, Narito, iyong nalalaman ang ginawa ni Saul, kung paanong kaniyang (A)inihiwalay yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga manghuhula, sa lupain: bakit nga ipinaglalagay mo ng silo ang aking buhay, upang ipapatay ako?
Read full chapter
Isaias 8:19
Ang Biblia (1978)
Masasamang espiritu at manghuhula ay sinumpa.
19 At pagka kanilang sasabihin sa inyo, (A)Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na (B)nagsisihuni at nagsisibulong; (C)hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios? (D)dahil baga sa mga buháy ay sasangguni sila sa mga patay?
Read full chapter
Mga Gawa 16:16
Ang Biblia (1978)
16 At nangyari, na nang kami'y nagsisiparoon sa mapapanalanginan, ay sinalubong kami ng isang dalagang may karumaldumal na espiritu ng panghuhula, at nagdadala ng maraming pakinabang sa kaniyang mga panginoon sa pamamagitan ng panghuhula.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978