Esther 3:13
Ang Biblia (1978)
13 At nagpadala ng mga sulat (A)sa pamamagitan ng mga sugo sa lahat ng mga lalawigan ng hari, upang ipahamak, upang patayin, at upang lipulin ang lahat na Judio, ang bata at gayon din ang matanda, ang mga bata at ang mga babae (B)sa isang araw, sa makatuwid baga'y sa ikalabing tatlong araw ng ikalabing dalawang buwan, na siyang buwan ng (C)Adar, at (D)upang kumuha ng samsam sa kanila na pinakahuli.
Read full chapter
Esther 8:11
Ang Biblia (1978)
11 Na pinagkakalooban ng hari ang mga Judio na nangasa bawa't bayan, na magpipisan, at ipagsanggalang ang kanilang buhay, upang magpahamak, pumatay, at magpalipol, sa buong kapangyarihan ng bayan at lalawigan na loloob sa kanila, (A)sa kanilang mga bata at mga babae, at kumuha ng samsam sa kanila na pinakahuli,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978