2 Mga Hari 9:1-6
Magandang Balita Biblia
Ginawang Hari ng Israel si Jehu
9 Samantala, tinawag ni Propeta Eliseo ang isa sa mga propeta at inutusan, “Magbihis ka. Pumunta ka sa Ramot-gilead at dalhin mo ang langis na ito. 2 Pagdating doon, hanapin mo si Jehu na anak ni Jehoshafat at apo ni Nimshi. Sabihin mong iwan muna niya ang kanyang mga kasamahan at isama mo siya sa isang silid. 3 Doo'y ibuhos mo ang langis na ito sa kanyang ulo. Sabihin mong pinili siya ni Yahweh upang maging hari ng Israel. Pagkatapos, umalis ka na agad.”
4 Pumunta nga sa Ramot-gilead ang kabataang propeta. 5 Nadatnan niyang nagpupulong ang mga opisyal ng hukbo. Sinabi niya, “Napag-utusan po ako, mahal na pinuno.”
Si Jehu ang sumagot, “Sino sa amin ang kailangan mo?”
“Kayo po,” sagot ng propeta. 6 Tumindig(A) si Jehu at sumama sa propeta sa loob ng bahay.
Pagdating doon, ibinuhos niya sa ulo ni Jehu ang langis sabay sabi, “Ganito ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: binubuhusan kita ngayon ng langis upang maging hari ng Israel na kanyang bayan.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.