2 Mga Hari 21:4
Ang Biblia (1978)
4 At siya'y (A)nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon, na pinagsabihan ng Panginoon, (B)Sa Jerusalem ay ilalagay ko ang aking pangalan.
Read full chapter
Isaias 8:5-10
Ang Biblia (1978)
5 At nagsalita pa ang Panginoon uli sa akin, na nagsasabi,
6 Yamang tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng (A)Siloe na nagsisiagos na marahan, at siya'y nagagalak (B)kay Rezin at sa anak ni Remalias;
7 Ngayon nga, narito, iniaahon ng Panginoon sa kanila ang tubig ng Ilog, malakas at marami, sa makatuwid baga'y ang hari sa Asiria at ang buo niyang kaluwalhatian: at siya'y aahon sa lahat niyang bangbang, at aapaw sa buo niyang baybayin:
8 At magpapatuloy sa dako ng loob ng Juda; aapaw at lalampas; (C)aabot hanggang sa leeg; at ang laganap ng kaniyang mga pakpak ay siyang magpupuno ng kaluwangan ng iyong lupain, (D)Oh Emmanuel.
9 Kayo'y magsamasama, Oh mga bayan, at kayo'y mangagkakawatakwatak; at kayo'y mangakinig, kayong lahat na taga malayong lupain: mangagbigkis kayo, at kayo'y mangagkakawatakwatak; kayo'y mangagbigkis, at kayo'y mangagkakawatakwatak.
10 Mangagsanggunian kayo, at yao'y mauuwi sa wala; mangagsalita kayo ng salita at hindi matatayo: (E)sapagka't ang Dios ay sumasaamin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978