1 Samuel 8:6
Ang Biblia (1978)
6 Nguni't hindi minabuti ni Samuel, nang kanilang sabihin, Bigyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin. At si Samuel ay nanalangin sa Panginoon.
Read full chapter
1 Samuel 12:17-19
Ang Biblia (1978)
17 Hindi ba (A)pagaani ng trigo sa araw na ito? Ako'y tatawag sa Panginoon, na siya'y magpapasapit ng kulog at ulan; at inyong malalaman at makikita na (B)ang inyong kasamaan ay dakila, na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo ng isang hari.
18 Sa gayo'y tumawag si Samuel sa Panginoon; at ang Panginoon ay nagpasapit ng kulog at ulan ng araw na yaon: at ang (C)buong bayan ay natakot na mainam sa Panginoon at kay Samuel.
19 At sinabi ng buong bayan kay Samuel, (D)Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Dios, upang huwag kaming mamatay; sapagka't aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ito, na humingi kami para sa amin ng isang hari.
Read full chapter
1 Samuel 15:11
Ang Biblia (1978)
11 (A)Ikinalulungkot ko na aking inilagay na hari si Saul; sapagka't siya'y tumalikod na hindi sumunod sa akin, at hindi tinupad ang aking mga utos. At si Samuel ay nagalit, at siya'y dumaing sa Panginoon buong gabi.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978