1 Samuel 19:20
Ang Biblia (1978)
20 At nagsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David: (A)at nang kanilang makita ang pulutong ng mga propeta na nanganghuhula, at si Samuel ay tumatayong pinakapangulo sa kanila, ang Espiritu ng Dios ay dumating sa mga sugo ni Saul, at sila naman ay (B)nanganghula.
Read full chapter
Josue 2:9
Ang Biblia (1978)
9 At sinabi niya sa mga lalake, Talastas ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain, at dinatnan kami ng (A)pangingilabot sa inyo at ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo.
Read full chapter
Isaias 16:8
Ang Biblia (1978)
8 Sapagka't ang mga bukid (A)ng Hesbon ay nanghihina, at ang ubasan ng Sibma; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon; sila'y nagsisapit hanggang sa (B)Jazer, sila'y nagsilaboy sa ilang; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad, sila'y nagsitawid sa dagat.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978