2 Corinto 2
Ang Biblia (1978)
2 Datapuwa't ito'y ipinasiya ko sa aking sarili, na (A)hindi na ako muling paririyan sa inyo na may kalumbayan.
2 (B)Sapagka't kung kayo'y palulumbayin ko, sino nga ang sa akin ay magpapagalak, kundi yaong pinalulumbay ko?
3 At aking isinulat ang bagay ring ito, upang pagdating ko ay (C)huwag akong magkaroon ng kalumbayan doon sa mga nararapat kong ikagalak; sa pagkakatiwala sa inyong lahat, na ang aking kagalakan ay kagalakan ninyong lahat.
4 Sapagka't sa malaking kapighatian at hapis ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha; (D)hindi upang kayo'y palumbayin, kundi upang inyong makilala ang pagibig kong napakasagana sa inyo.
5 Datapuwa't (E)kung ang sinoman ay nakapagpalumbay, hindi ako ang pinalumbay niya, kundi sa isang paraan ay kayong lahat (upang huwag kong higpitang totoo).
6 Sukat na sa gayon ang kaparusahang ito na ipinarusa (F)ng marami;
7 (G)Upang bagkus ninyong patawarin siya at aliwin siya, baka sa anomang paraan ay madaig ang gayon ng kaniyang malabis na kalumbayan.
8 Dahil dito'y ipinamamanhik ko sa inyo na papagtibayin ninyo ang pagibig sa kaniya.
9 Sapagka't dahil din sa bagay na ito ay sumulat ako, upang aking makilala ang katunayan tungkol sa inyo, kung kayo'y mga (H)matalimahin sa lahat ng mga bagay.
10 Datapuwa't ang (I)inyong pinatatawad ng anoman ay pinatatawad ko rin naman: sapagka't ang aking ipinatawad naman, kung ako'y nagpapatawad ng anoman, ay dahil sa inyo, sa harapan ni Cristo;
11 Upang huwag kaming malamangan ni (J)Satanas: sapagka't kami ay (K)hindi hangal sa kaniyang mga lalang.
12 Nang ako'y (L)dumating nga sa Troas dahil sa evangelio ni Cristo, at nang mabuksan sa akin ang isang (M)pinto sa Panginoon,
13 Ay hindi ako nagkaroon ng (N)katiwasayan sa aking espiritu, sapagka't hindi ko nasumpungan si Tito na kapatid ko: datapuwa't pagkapagpaalam ko sa kanila, (O)ako'y napasa Macedonia.
14 Datapuwa't salamat sa Dios, na laging (P)pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag (Q)ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa't dako.
15 Sapagka't (R)sa mga inililigtas, at (S)sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios;
16 Sa isa ay samyo (T)mula sa kamatayan sa ikamamatay; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay. At sino ang sapat (U)sa mga bagay na ito?
17 Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa (V)pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978