Add parallel Print Page Options

Ang Israel at ang Juda ay pagpapalain ng Panginoon.

10 Hingin ninyo sa Panginoon ang (A)ulan sa kapanahunan ng huling ulan, sa Panginoon na nagpapakidlat; at kaniyang bibigyan sila ng ulan, at ang bawa't isa'y ng damo sa parang.

Sapagka't ang mga teraf ay nagsalita ng walang kabuluhan, at (B)ang mga manghuhula ay nangakakita ng isang kabulaanan; at (C)sila'y nangagsaysay ng mga kabulaanang panaginip, sila'y nagsisialiw ng walang kabuluhan: kaya't sila'y nagsisiyaon ng kanilang lakad na parang mga tupa, sila'y nadadalamhati, (D)sapagka't walang pastor.

Read full chapter

21 Kinilos nila ako sa paninibugho doon sa hindi Dios;
Kanilang minungkahi ako sa galit (A)sa kanilang mga walang kabuluhan:
At akin silang kikilusin sa paninibugho sa mga hindi bayan:
(B)Aking ipamumungkahi sila sa galit, sa pamamagitan ng isang mangmang na bansa.

Read full chapter