Add parallel Print Page Options

Kaya paano tayo makakaiwas sa parusa kung ipagwawalang-bahala natin ang ganito kadakilang kaligtasan? Ang Panginoon ang nagpahayag nito noong una, at pinatunayan din sa atin ng mga nakarinig sa kanya. Lalo pa itong pinatunayan ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, ng mga kababalaghan at iba't ibang himala gayundin sa pamamagitan ng mga kaloob ng Banal na Espiritu, na ipinamahagi ayon sa kanyang kapasyahan.

Read full chapter