Add parallel Print Page Options

17 Kaya't nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng (A)maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan.

Read full chapter

Na makapagtitiis na may kaamuan (A)sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang (B)siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan;

At (C)dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili.

Read full chapter

Datapuwa't sa (A)ikalawa ay pumapasok na (B)nagiisa ang dakilang saserdote, minsan sa isang taon, na hindi walang dalang dugo, na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili, at sa mga kamalian ng bayan:

Read full chapter

28 Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan (A)upang dalhin ang mga kasalanan (B)ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas (C)ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.

Read full chapter