Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Study Bibles + commentaries + Scripture = deeper understanding. Explore Bible Gateway Plus.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Study resources + Scripture = deeper understanding.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG1978
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG1978
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Mga Kawikaan 4  Ang Biblia (1978)

Ang pangmagulang na payo upang lumakad sa karunungan.

4 Dinggin ninyo, (A)mga anak ko, ang turo ng ama,
At makinig kayo upang matuto ng kaunawaan:
2 Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral;
Huwag ninyong bayaan ang aking kautusan.
3 Sapagka't ako'y anak sa aking ama,
(B)Malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina.
4 (C)At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin:
Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita;
(D)Ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka:
5 (E)Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan;
Huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig:
6 Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya;
(F)Ibigin mo siya at iingatan ka niya.
7 Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan:
Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.
8 (G)Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka:
Kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya.
9 Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng (H)pugong na biyaya:
Isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo.
10 Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi;
(I)At ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami.
11 Aking itinuro ka sa daan ng karunungan;
Aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran.
12 Pagka ikaw ay yumayaon (J)hindi magigipit ang iyong mga hakbang;
At kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod.
13 Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan:
Iyong ingatan: sapagka't siya'y iyong buhay.
14 (K)Huwag kang pumasok sa landas ng masama,
At huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao.
15 Ilagan mo, huwag mong daanan;
Likuan mo, at magpatuloy ka.
16 (L)Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan;
At ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal.
17 Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan,
At nagsisiinom ng alak ng karahasan.
18 (M)Nguni't ang landas ng matuwid (N)ay parang maliyab na liwanag,
Na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.
19 (O)Ang lakad ng masama ay parang kadiliman:
Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran.
20 Anak ko, makinig ka sa aking mga salita;
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi.
21 (P)Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata;
(Q)Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.
22 Sapagka't (R)buhay sa nangakakasumpong,
At kagalingan sa buo nilang katawan.
23 Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap;
(S)Sapagka't dinadaluyan ng buhay,
24 Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig,
At ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo.
25 Tuminging matuwid ang iyong mga mata,
At ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.
26 Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa,
At mangatatag ang lahat ng iyong lakad.
27 (T)Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man:
Ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.

Cross references

  1. 4:1 : Awit 34:11; Kaw. 1:8.
  2. 4:3 : 1 Cron. 22:5.
  3. 4:4 : 1 Cron. 28:9; Ef. 6:4.
  4. 4:4 : Kaw. 7:2.
  5. 4:5 : Kaw. 2:2, 3.
  6. 4:6 : 2 Tes. 2:10.
  7. 4:8 : 1 Sam. 2:30.
  8. 4:9 : Kaw. 3:22.
  9. 4:10 : Kaw. 3:2.
  10. 4:12 : Awit 18:36.
  11. 4:14 : Awit 1:1; Kaw. 1:10, 15.
  12. 4:16 : Awit 36:4; Mik. 2:1.
  13. 4:18 : Is. 62:1; Mat. 5:14; Fil. 2:15.
  14. 4:18 : 2 Sam. 23:4.
  15. 4:19 : 1 Sam. 2:9; Is. 59:9, 10; Jer. 23:12; Juan 12:35.
  16. 4:21 : Kaw. 3:21.
  17. 4:21 : Kaw. 2:1.
  18. 4:22 : Kaw. 8:35; 21:21.
  19. 4:23 : Awit 68:20.
  20. 4:27 : Deut. 5:32.
Next
Mga Kawikaan 3
Mga Kawikaan 5
Next
dropdown
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway