Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Welcome to the new Bible Gateway. Take a quick tour and see what’s new.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
We’ve made some updates. Have feedback?
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
MBBTAG
Version
Bible Books Bible Books
MBBTAG
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Mga Kawikaan 17  Magandang Balita Biblia

17 Kahit tinapay ang kinakain ngunit may kapayapaan,
    mabuting di hamak kaysa malaki ngunit magulong handaan.
2 Ang tusong alipin ay makakahati pa sa mamanahin,
    ng anak ng kanyang amo kung ito'y inutil.
3 Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak,
    ngunit sa puso ng tao'y si Yahweh ang sumisiyasat.
4 Ang taong masama ay nakikinig sa payo ng masama,
    at ang sinungaling ay sumusunod sa baluktot na dila.
5 Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal,
    at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan.
6 Ang mga apo ay putong ng katandaan;
    ang karangalan ng mga anak ay ang kanilang magulang.
7 Ang pinong pananalita ay di mahahanap sa mangmang,
    ni ang kasinungalingan sa taong marangal.
8 Sa paniwala ng iba ang suhol ay parang salamangka;
    kaya lahat ay makukuha kung may pansuhol ka.
9 Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan,
    ngunit ang pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan.
10 Ang matalino'y natututo sa isang salita
    ngunit ang mangmang ay hindi, hampasin mang walang awa.
11 Ang nais ng masama'y paghihimagsik,
    kaya ipadadala sa kanya'y isang sugong malupit.
12 Mabuti pang harapin ang inahing osong inagawan ng anak
    kaysa kausapin ang isang mangmang na lublob sa kahangalan.
13 Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa,
    ang kapahamakan sa buhay ay di mawawala.
14 Ang simula ng kaguluha'y parang butas sa isang dike;
    na dapat ay sarhan bago ito lumaki.
15 Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan,
    kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.
16 Walang katuturan ang gumugol para sa pag-aaral,
    ng isang taong pumili na siya'y maging mangmang.
17 Ang(A) kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon,
    at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.
18 Ang mangangakong magbayad para sa utang ng iba,
    kamangmangang maituturing ang kanyang ginagawa.
19 Ang umiibig sa kaguluhan ay umiibig sa kasalanan;
    at ang mayayabang ay naghahanap ng kapahamakan.
20 Ang masamang isipan ay hindi uunlad,
    ang sinungaling ay aabot sa kasawiang-palad.
21 Ang mga magulang ng anak na mangmang,
    sakit sa damdamin ang nararanasan.
22 Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan,
    at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.
23 Ang katarungan ay hindi nakakamtan,
    kung itong masama, suhol ay patulan.
24 Karunungan ang pangarap ng taong may unawa,
    ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala.
25 Ang hangal na anak ay problema ng kanyang ama
    at pabigat sa damdamin ng kanyang ina.
26 Ang pagpaparusa sa matuwid ay hindi makatuwiran,
    maging ang pagpapahirap sa taong buhay marangal.
27 Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita,
    ang mahinahon ay taong may pagkaunawa.
28 Ang(B) mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong;
    kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.

Cross references

  1. 17:17 : Ecc. 6:7-10.
  2. 17:28 : Ecc. 20:5.
Next
Mga Kawikaan 16
Mga Kawikaan 18
Next
dropdown
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway