A A A A A
Bible Book List

Mga Gawa 1:3 Ang Salita ng Diyos (SND)

Pagkatapos ng kaniyang paghihirap, nagpakita rin siyang buhay sa kanila sa pamamagitan ng maraming katibayan. Siya ay nakita nila sa loob ng apatnapung araw at nagsalita siya ng mga bagay patungkol sa paghahari ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

Mga Gawa 1:9 Ang Salita ng Diyos (SND)

Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, habang sila ay nakamasid, siya ay dinala paitaas. At ikinubli siya ng isang ulap sa kanilang paningin.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

Mga Gawa 1:12 Ang Salita ng Diyos (SND)

Pinili si Matias Bilang Kapalit ni Judas

12 Pagkatapos nito, sila ay bumalik sa Jerusalem mula sa bundok na tinatawag na mga puno ng Olibo, na malapit sa Jerusalem. Ito ay lakbaying makakaya sa isang araw ng Sabat.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

Mga Gawa 1:23-26 Ang Salita ng Diyos (SND)

23 At nagmungkahi sila ng dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas na ang palayaw ay Justo, at si Matias. 24 Nanalangin sila at nagsabi: Ikaw Panginoon ang nakakaalam ng mga puso ng lahat. Ipakita mo kung sino sa dalawang ito ang iyong pinili. 25 Ipakita mo kung sino ang tatanggap ng bahagi ng paglilingkod na ito at ng pagka-apostol na kung saan si Judas ay sumalangsang. Nangyari ito upang siya ay pumaroon sa dakong karapat-dapat sa kaniya. 26 Sila ay nagpalabunutan at si Matias ang napili. Siya ay ibinilang sa labing-isang apostol.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes