A A A A A
Bible Book List

Mga Gawa 15:19-25 Ang Salita ng Diyos (SND)

19 Dahil dito, ang hatol ko ay huwag gambalain iyong mga Gentil na nanumbalik sa Diyos. 20 Sa halip, sulatan natin sila na lumayo sa mga bagay na nadungisan ng diyos-diyosan, sa kasalanang sekswal, sa mga binigti at sa dugo. 21 Ito ay sapagkat mula pa nang unang panahon, sa bawat lungsod ay may mga nangaral na patungkol sa mga isinulat ni Moises. Binabasa ito sa mga sinagoga bawat araw ng Sabat.

Ang Sulat ng Kapulungan sa mga Mananampalatayang Gentil

22 Nang magkagayon, minabuti ng mga apostol at ng mga matanda gayundin ng buong iglesiya na humirang ng mga lalaking mula sa kanila upang suguin sila sa Antioquia kasama nina Pablo at Bernabe. Sila ay sina Judas na tinatawag na Barsabas at si Silas na mga tagapanguna sa mga kapatid. 23 Sumulat sila ng ganito:

Kaming mga apostol, mga matanda at mga kapatid ay
    bumabati sa inyo na aming mga kapatid na nasa mga
    Gentil sa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia.
24         Sumulat kami sapagkat nabalitaan namin na ang
    ilang umalis sa amin ay gumugulo sa inyo sa pamamagitan
    ng mga salita. Nililigalig nila ang inyong mga kaluluwa
    na sinasabi: Kinakailangang kayo ay tuliin at ganapin ang
    kautusan. Hindi kami nag-uutos ng ganito sa kaninuman
    sa kanila. 25 Kaya minabuti namin ang may pagkakaisang
    magsugo sa inyo ng mga hinirang na lalaki. Sila ay kasama
    ng aming mga minamahal na Bernabe at Pablo.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes