A A A A A
Bible Book List

Mga Gawa 15:13-21 Ang Salita ng Diyos (SND)

13 Nang tumahimik sila, sumagot si Santiago na sinasabi: Mga kapatid, pakinggan ninyo ako. 14 Isinalaysay na ni Simeon kung paanong noong una ay dinalaw ng Diyos ang mga Gentil upang pumili sa kanila ng mga tao para sa kaniyang pangalan. 15 Naaayon ito sa mga salita ng mga propeta. Ayon sa nasusulat:

16 Pagkatapos nito, ako ay babalik at itatayo
kong muli ang tolda ni David na bumagsak.
Itatayo kong muli ang mga nasira nito at ito ay
aking ititindig muli. 17 Upang hanapin nawa ng
nalabi sa mga tao ang Panginoon at ng lahat ng
mga Gentil na tinatawag sa aking pangalan. Ito
ang sabi ng Panginoon na gumawa ng lahat ng
mga bagay na ito. 18 Alam ng Diyos ang lahat
ng kaniyang mga gawa mula sa walang hanggan.

19 Dahil dito, ang hatol ko ay huwag gambalain iyong mga Gentil na nanumbalik sa Diyos. 20 Sa halip, sulatan natin sila na lumayo sa mga bagay na nadungisan ng diyos-diyosan, sa kasalanang sekswal, sa mga binigti at sa dugo. 21 Ito ay sapagkat mula pa nang unang panahon, sa bawat lungsod ay may mga nangaral na patungkol sa mga isinulat ni Moises. Binabasa ito sa mga sinagoga bawat araw ng Sabat.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes