A A A A A
Bible Book List

Mga Gawa 12:12-17 Ang Salita ng Diyos (SND)

12 Habang pinag-iisipan niya ito, nakarating siya sa bahay ni Maria, na ina ni Juan, na tinatawag na Marcos. Nagkatipun-tipon dito ang marami at nananalangin. 13 Nang si Pedro ay tumuktok sa pintuan, lumabas at sumagot ang isang dalagita. Ang pangalan niya ay Roda. 14 Nang makilala niya ang tinig ni Pedro, hindi niya nabuksan ang tarangkahan sa tuwa. Siya ay tumakbo sa loob at ipinagbigay-alam na si Pedro ay nakatayo sa harap ng tarangkahan.

15 Sinabi nila sa kaniya: Nababaliw ka. Ngunit pinatutunayan niyang siya nga. Kaya sinabi nila: Iyon ay kaniyang anghel.

16 Ngunit si Pedro ay patuloy na kumakatok. Nang mabuksan na nila ang tarangkahan, nakita nila siya at namangha sila. 17 Ngunit hinudyatan niya sila na tumahimik. Isinaysay niya sa kanila kung papaano siya inilabas ng Panginoon sa bilangguan. Sinabi niya: Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago at sa mga kapatid. Siya ay umalis at nagpunta sa ibang dako.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes