A A A A A
Bible Book List

Lucas 1:46-55 Ang Salita ng Diyos (SND)

Ang Awit ni Maria

46 Sinabi ni Maria: Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon. 47 Ang aking espiritu ay lubos na nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas. 48 Ito ay sapagkat nilingap niya ang pagpapakumbaba ng kaniyang aliping babae at mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng salin ng lahi. 49 Ito ay sapagkat ang Makapangyarihan ay gumawa sa akin ng mga dakilang bagay at Banal ang kaniyang pangalan. 50 Ang kaniyang kahabagan ay sa lahat ng saling lahi, sa kanila na may pagkatakot sa kaniya. 51 Nagpakita siya ng lakas sa pamamagitan ng kaniyang mga bisig. Ikinalat niya ang mapagmataas sa haka ng kanilang mga puso. 52 Ibinaba niya ang mga makapangyarihan mula sa kanilang mga trono at itinaas niya ang mga mabababang-loob. 53 Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom. Ang mga mayaman ay pinaalis niyang walang dala. 54 Tinulungan niya si Israel na kaniyang lingkod bilang ala-ala ng kaniyang kahabagan. 55 Ginawa niya ito ayon sa sinabi niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kaniyang lahi magpakailanman.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes