Lucas 5
Ang Pulong Sang Dios
Gintawag ni Jesus ang Iya Nahauna nga mga Sumulunod(A)
5 Isa sadto ka adlaw, nagatindog si Jesus sa higad sang Dagat[a] sang Genesaret.[b] Nagdinaguso sa iya ang madamo nga mga tawo tungod nga luyag nila magpamati sang pulong sang Dios. 2 May nakita si Jesus nga duha ka sakayan nga ara sa higad kag ang mangingisda nakapanaog na sa paghugas sang ila mga pukot. 3 Ang isa ka sakayan iya ni Simon. Ginsakyan ini ni Jesus kag ginpangabay niya si Simon nga itulod diutay ang sakayan palayo sa higad. Nagpungko si Jesus kag nagpanudlo sa mga tawo.
4 Pagkatapos niya panudlo, nagsiling siya kay Simon, “Ipalawod ninyo ang inyo sakayan kag iladlad ang inyo mga pukot agod makakuha kamo sang mga isda.” 5 Nagsiling si Simon kay Jesus, “Manunudlo,[c] isa gid ka gab-i ang amon pagpangisda pero wala gid kami sang may nakuha. Pero tungod kay nagsiling ka nga iladlad ang pukot, ti iladlad ko.” 6 Nagpalawod sila kag ginladlad nila ang ila mga pukot. Madamo gid nga mga isda ang ila nakuha kag daw magisi na ang ila mga pukot. 7 Gani ginpaypay nila ang ila mga kaupod sa isa ka sakayan agod buligan sila. Pag-abot sang ila mga kaupod ginpuno nila sang isda ang duha ka sakayan, kag daw malunod sila tungod sa kadamuon sang isda. 8 Pagkakita sadto ni Simon Pedro, nagluhod siya kay Jesus kag nagsiling, “Ginoo, palayo ka sa akon kay makasasala ako nga tawo.” 9 Kay natingala gid si Simon pati ang iya mga kaupdanan tungod sa kadamuon sang isda nga ila nakuha. 10 Natingala man ang mga kasusyo ni Simon nga si Santiago kag si Juan nga mga anak ni Zebedee. Dayon nagsiling si Jesus kay Simon, “Indi ka magkahadlok. Sugod subong indi na isda ang imo pangitaon kundi ang mga tawo agod madala sila sa Dios.” 11 Sang napahigad na nila ang ila mga sakayan, ginbayaan nila ang tanan kag nagsunod kay Jesus.
Gin-ayo ni Jesus ang Tawo nga May Delikado nga Balatian sa Panit(B)
12 Sang didto si Jesus sa isa ka banwa, may tawo didto nga ang iya lawas puno sang delikado nga balatian sa panit.[d] Pagkakita niya kay Jesus nagpalapit siya kag nagluhod nga nagapakitluoy, “Ginoo[e] kon gusto mo, mapaayo mo ako sa akon balatian agod makabig ako nga matinlo.” 13 Dayon gintandog siya ni Jesus nga nagasiling, “Gusto ko. Magmatinlo ka!” Sa gilayon nadula ang iya balatian sa panit. 14 Pagkatapos ginmanduan siya ni Jesus, “Indi ka gid magpanugid bisan kay sin-o parte sini, kundi magderetso ka sa pari kag magpatan-aw sa iya.[f] Dayon maghalad ka sang halad nga ginsugo ni Moises sa pagpamatuod sa mga tawo nga matinlo ka na.” 15 Bisan amo ato ang ginmando sa tawo naglapnag gihapon ang balita parte kay Jesus, kag madamo gid ang mga tawo nga nagtilipon sa pagpamati sa iya kag sa pagpabulong sang ila mga balatian. 16 Pero permi nagakadto si Jesus sa kamingawan kag nagapangamuyo didto.
Gin-ayo ni Jesus ang Tawo nga Paralitiko(C)
17 Isa ka adlaw sang si Jesus nagapanudlo, may mga Pariseo kag mga manunudlo sang Kasuguan nga nagapungko malapit sa iya. Ini nga mga tawo naghalin pa sa nagkalain-lain nga mga baryo sang Galilea kag Judea, kag pati sa Jerusalem. Ara kay Jesus ang gahom sang Ginoo sa pag-ayo sang mga masakiton. 18 May mga tawo nga nag-abot nga nagatuwang sang isa ka tawo nga paralitiko. Ginhimulatan nila nga dal-on siya kay Jesus sa sulod sang balay. 19 Pero tungod sa kadamuon sang mga tawo wala gid sila sing may maagyan pasulod. Gani nagsaka sila sa atop sang balay kag gin-guhaban nila ang atop. Pagkatapos gintunton nila ang paralitiko nga ara sa higdaan sa atubangan ni Jesus. 20 Pagkakita ni Jesus nga may pagtuo sila sa iya, nagsiling siya sa paralitiko, “Abyan,[g] ginpatawad na ang imo mga sala.”
21 Ang mga Pariseo kag ang mga manunudlo sang Kasuguan nagsiling sa ila kaugalingon, “Sin-o gid bala ang ini nga tawo nga nagapasipala sa Dios? Wala sing bisan sin-o nga makapatawad sang mga sala kundi ang Dios lang.” 22 Nahibaluan ni Jesus ang ila ginahunahuna, gani nagsiling siya sa ila, “Ngaa bala nagahunahuna kamo sang subong sina? 23 Diin bala ang mas mahapos, ang magsiling, ‘Ginpatawad na ang imo mga sala,’ ukon ang magsiling, ‘Magtindog ka kag maglakat’? 24 Karon pamatud-an ko sa inyo paagi sa pag-ayo sa sini nga paralitiko nga ako nga Anak sang Tawo may gahom diri sa duta sa pagpatawad sang mga sala.” Dayon nagsiling siya sa paralitiko, “Magtindog ka, dal-a ang imo hiligdaan kag magpauli!” 25 Sa gilayon nagbangon ang paralitiko sa atubangan nila. Dayon gindala niya ang iya hiligdaan kag nagpauli nga nagadayaw sa Dios. 26 Natingala gid ang tanan nga tawo didto. Gindayaw nila ang Dios nga may kahadlok. Siling nila, “Makatilingala nga mga butang ang aton nakita subong.”
Gintawag ni Jesus si Levi(D)
27 Pagkatapos sadto, naghalin si Jesus didto kag nakita niya ang manugsukot sang buhis nga si Levi nga nagapungko sa balayaran sang buhis. Nagsiling si Jesus sa iya, “Dali, sunod ka sa akon.” 28 Nagtindog si Levi, ginbayaan niya ang tanan kag nagsunod kay Jesus.
29 Dayon naghiwat si Levi sang dako nga punsyon para kay Jesus didto sa iya balay. Madamo nga mga manugsukot sang buhis kag iban pa nga mga tawo ang nagtambong nga nangin kaupod nila sa pagkaon. 30 Pagkakita sini sang mga Pariseo kag sang ila mga kaupod nga mga manunudlo sang Kasuguan nagreklamo sila sa mga sumulunod ni Jesus. Siling nila, “Ngaa nagaupod kamo kaon kag inom sa mga manugsukot sang buhis kag sa iban pa nga mga makasasala?” 31 Si Jesus ang nagsabat sa ila, “Ang tawo nga maayo ang lawas wala nagakinahanglan sang doktor, kundi ang nagamasakit lang. 32 Wala ako nagkadto diri sa pagtawag sa mga nagakilala nga sila matarong, kundi sa mga makasasala agod maghinulsol sila.”
Ang Pamangkot Parte sa Pagpuasa(E)
33 May mga tawo didto nga nagsiling kay Jesus, “Ang mga sumulunod ni Juan nga manugbautiso kag ang mga sumulunod sang mga Pariseo masami nga nagapuasa kag nagapangamuyo, pero ang imo mga sumulunod sige lang ang kaon kag inom.” 34 Nagsabat si Jesus sa ila, “Mahimo ninyo bala nga indi pagpakaunon ang mga bisita sa kasal samtang kaupod pa nila ang nobyo? Siyempre, indi! 35 Pero magaabot ang tion nga ang nobyo kuhaon sa ila, kag amo na ina ang ila pagpuasa.”
36 Ginsugiran pa gid sila ni Jesus sang mga paanggid, “Indi maayo nga maggisi sang bag-o nga bayo agod itukap sa daan nga bayo. Kon himuon ini, luwas nga magisi ang bag-o, ang gintukap indi magbagay sa daan nga bayo. 37 Indi man maayo nga isulod ang bag-o nga bino sa daan nga suludlan nga panit. Kay mabusdik ang suludlan kag mausik ang bino, kag ang suludlan indi na mapuslan. 38 Sa baylo, ginasulod ang bag-o nga bino sa bag-o nga suludlan nga panit.”[h] 39 Nagdugang pa gid si Jesus sang isa pa ka paanggid, “Wala sing tawo nga anad na sa daan nga bino nga magpangita sang bag-o, kay suno sa iya, mas manami ang daan nga bino.”
Footnotes
- 5:1 Dagat: Ang tubig nga ginmitlang diri ginatawag sa English nga “lake” ukon sa iban nga Bisaya, “linaw”.
- 5:1 Dagat sang Genesaret: Amo man ini ang Dagat sang Galilea.
- 5:5 Manunudlo: sa literal, Agalon.
- 5:12 delikado nga balatian sa panit: Tan-awa ang footnote sa 4:27.
- 5:12 Ginoo: ukon, Sir.
- 5:14 magpatan-aw sa iya agod makita sang pari nga nadula na ang iya balatian kag makabig na siya nga matinlo sa ila relihiyon.
- 5:20 Abyan: sa literal, Tawo.
- 5:38 Nagsugid si Jesus sina nga mga paanggid agod itudlo sa ila nga indi mahimo nga simpunon ang iya mga pagpanudlo kag ang daan nga mga pagpanudlo sang mga Judio.
Lucas 5
Ang Biblia (1978)
5 Nangyari nga, (A)na samantalang siya'y sinisiksik ng karamihan na pinakikinggan ang salita ng Dios, na siya'y nakatayo sa tabi ng dagatdagatan ng Genezaret;
2 (B)At nakakita siya ng dalawang daong na nasa tabi ng dagatdagatan: datapuwa't nagsilunsad sa mga yaon ang mga mamamalakaya, at hinuhugasan ang kanilang mga lambat.
3 At lumulan siya sa isa sa mga daong, na kay Simon, at ipinamanhik niya dito na ilayo ng kaunti sa lupa. At siya'y naupo at nagturo sa mga karamihan (C)buhat sa daong.
4 At pagtigil niya ng pagsasalita, ay sinabi niya kay Simon, (D)Pumaroon ka sa laot, at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang mamalakaya.
5 At sumagot si Simon at sinabi, Guro, sa buong magdamag ay (E)nagsipagpagal kami, at wala kaming nahuli: datapuwa't sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat.
6 At nang magawa nila ito, ay nakahuli sila ng lubhang maraming isda; at nagkampupunit ang kanilang mga lambat;
7 At kinawayan nila ang mga (F)kasamahan (G)sa isang daong upang magsilapit at sila'y tulungan. At sila'y nagsilapit at nangapuno ang dalawang daong, ano pa't sila'y nagpasimulang lulubog.
8 Datapuwa't nang makita ni Simon Pedro, ay nagpatirapa sa mga tuhod ni Jesus, na nagsasabi, (H)Lumayo ka sa akin; sapagka't ako'y taong makasalanan, Oh Panginoon.
9 Sapagka't siya at ang lahat ng kasama niya ay nagsipanggilalas, dahil sa karamihan ng mga isdang kanilang nangahuli:
10 At gayon din si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, Huwag kang matakot; mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao.
11 At nang maisadsad na nila sa lupa ang kanilang mga daong, ay (I)iniwan nila ang lahat, at nagsisunod sa kaniya.
12 At nangyari, samantalang siya'y (J)nasa isa sa mga bayan, narito, may isang lalake na lipos ng ketong: at nang makita niya si Jesus, ay nagpatirapa siya, at namanhik sa kaniya, na sinasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring linisin mo ako.
13 At iniunat niya ang kaniyang kamay at siya'y hinipo, na sinasabi, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nilisan siya ng ketong.
14 At ipinagbilin niya sa kaniya na huwag sabihin kanino man: (K)kundi yumaon ka ng iyong lakad, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo, alinsunod sa iniutos ni Moises, na pinakapatotoo sa kanila.
15 (L)Datapuwa't lalo nang kumakalat ang balita tungkol sa kaniya: at nangagkatipon ang lubhang maraming tao upang makinig, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit.
16 Datapuwa't siya'y lumigpit (M)sa mga ilang, at nananalangin.
17 At nangyari nang isa sa mga araw na yaon, na siya'y nagtuturo; at may nangakaupo doong mga Fariseo at (N)mga guro sa kautusan, na nagsipanggaling sa bawa't nayon ng Galilea at Judea at Jerusalem: at ang kapangyarihan ng Panginoon ay sumasa kaniya upang magpagaling.
18 At narito, (O)dinala ng mga tao na nasa isang higaan ang isang lalaking lumpo: at pinagpipilitan niyang maipasok siya, at ilagay siya sa harap nila.
19 At sa hindi pagkasumpong ng mapagpapasukan, dahil sa karamihan, ay nagsiakyat sila (P)sa bubungan ng bahay, at siya'y inihugos mula sa butas ng bubungan pati ng kaniyang higaan, sa gitna, sa harapan ni Jesus.
20 At pagkakita sa kanilang pananampalataya, ay kaniyang sinabi, Lalake, ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan.
21 At ang mga eskriba at mga Fariseo ay nangagpasimulang mangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Sino ito na nagsasalita ng mga kapusungan? (Q)Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan, kundi ang Dios lamang?
22 Datapuwa't si Jesus, na nakatatanto ng kanilang mga iniisip, ay sumagot at sinabi sa kanila, Bakit pinagbubulaybulay ninyo sa inyong mga puso?
23 Alin baga ang lalong magaang sabihin, Ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka at lumakad ka?
24 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi niya sa lumpo), Sa iyo ko sinasabi, Magtindig ka, at buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo.
25 At pagdaka'y nagtindig siya sa harap nila, at binuhat (R)ang kaniyang hinigan, at napasa kaniyang bahay, (S)na niluluwalhati ang Dios.
26 At nagsipanggilalas ang lahat at niluwalhati nila ang Dios; at (T)nangapuspos sila ng takot, na nangagsasabi, Nakakita kami ngayon ng mga bagay na katakataka.
27 At pagkatapos ng mga bagay na ito, (U)siya'y umalis, at nakita ang isang maniningil ng buwis, na nagngangalang Levi, na nakaupo sa paningilan ng buwis, at sinabi sa kaniya, Sumunod ka sa akin.
28 At iniwan niya ang lahat at nagtindig at sumunod sa kaniya.
29 At siya'y ipinagpiging ng malaki ni Levi sa kaniyang bahay: at lubhang maraming (V)maniningil ng buwis at mga iba pa na nangakasalo nila sa dulang.
30 At nangagbulongbulungan ang mga Fariseo at ang kanilang mga eskriba laban sa kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit kayo'y nagsisikain at nagsisiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?
31 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila, Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit.
32 (W)Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.
33 (X)At sinabi (Y)nila sa kaniya, Ang mga alagad ni Juan ay nangagaayunong madalas, at (Z)nagsisigawa ng mga pagdaing; gayon din ang mga alagad ng mga Fariseo; datapuwa't ang mga iyo'y nagsisikain at nagsisiinom.
34 At sinabi ni Jesus sa kanila, Mangyayari bagang papagayunuhin ninyo ang mga abay sa kasalan samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila?
35 (AA)Datapuwa't darating ang mga araw; at pagka inalis sa kanila ang kasintahang lalake, kung magkagayo'y mangagaayuno sila sa mga araw na yaon.
36 At sinalita rin naman niya sa kanila ang isang talinghaga: Walang taong pumilas sa bagong damit at itinagpi sa damit na luma; sa ibang paraa'y sisirain ang bago, at sa luma naman ay hindi bagay ang tagping mula sa bago.
37 At walang taong nagsisilid ng alak na bago sa mga balat na luma; sa ibang paraa'y papuputukin ng alak na bago ang mga balat, at mabububo, masisira ang mga balat.
38 Kundi dapat isilid ang alak na bago sa mga bagong balat.
39 At walang taong nakainom ng alak na laon, ay iibig sa alak na bago; sapagka't sasabihin niya, Mabuti ang laon.
Lucas 5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagtawag sa mga Unang Alagad(A)
5 Samantalang si Jesus ay nakatayo sa baybay ng lawa ng Genesaret at habang nag-uunahang palapit sa kanya ang mga tao upang makinig sa salita ng Diyos, 2 nakita niya ang dalawang bangkang nakadaong sa tabi ng lawa. Wala na sa mga bangka ang mga mangingisda dahil naghuhugas na ng kanilang mga lambat. 3 Sinakyan niya ang bangka na pag-aari ni Simon. Hiniling niya kay Simon na sumagwan nang kaunti palayo sa lupa. Umupo siya at nagturo sa mga tao mula sa bangka. 4 Nang matapos siyang magsalita, sinabi niya kay Simon, “Dumako kayo sa malalim at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang makahuli.” 5 Sumagot si Simon, “Ginoo, buong magdamag po kaming nagtiyaga ngunit wala kaming nahuli. Subalit dahil sa inyong utos, ihuhulog ko ang lambat.” 6 Pagkagawa nila nito, nakahuli sila ng napakaraming isda na halos ikapunit ng kanilang mga lambat. 7 Kaya't kinawayan nila ang kanilang mga kasamahan sa kabilang bangka upang lumapit at tumulong sa kanila. Lumapit nga ang mga ito at pinuno nila ang dalawang bangka hanggang sa halos lumubog na ang mga ito. 8 Nang makita ito ni Simon Pedro, lumuhod siya sa harap ni Jesus habang sinasabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako'y taong makasalanan.” 9 Sapagkat siya at ang lahat ng kanyang mga kasama ay namangha dahil sa nahuli nilang mga isda, 10 gayundin ang mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan, na mga kasosyo ni Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayon, ikaw ay magiging tagapangisda na ng mga tao.” 11 Nang maidaong na nila sa lupa ang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus.
Pinagaling ang Isang Ketongin(B)
12 Minsan ay nasa isang bayan si Jesus nang dumating ang isang lalaking punung-puno ng ketong. Pagkakita nito kay Jesus, patirapa itong nakiusap sa kanya, “Panginoon, kung nais po ninyo, ako ay mapagagaling ninyo.” 13 Iniunat ni Jesus ang kanyang kamay, hinawakan ang lalaki at sinabi, “Nais ko, gumaling ka!” At agad nawala ang ketong ng lalaki. 14 Pinagbilinan ni Jesus ang lalaki, “Huwag mo itong ipagsasabi kaninuman. Humayo ka at ipasuri mo ang iyong sarili sa pari, at mag-alay ng ayon sa iniutos ni Moises tungkol sa iyong pagkalinis bilang patotoo sa kanila.” 15 Ngunit lalong kumalat ang balita tungkol kay Jesus at pinagkaguluhan siya ng napakaraming tao upang makinig at magpagamot ng kanilang mga karamdaman. 16 Ngunit siya ay umiwas patungong ilang at nanalangin.
Pinagaling ang Isang Paralitiko(C)
17 Isang araw, habang siya ay nagtuturo, nakaupong malapit ang mga Fariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Nagmula pa sila sa bawat nayon ng Galilea, Judea, at Jerusalem. Ang kapangyarihan ng Panginoon ay nakay Jesus upang makapagpagaling. 18 At dumating ang mga lalaking may dalang isang lalaking paralitiko na nakaratay sa higaan. Sinikap nilang maipasok ito at mailagay sa harapan ni Jesus. 19 Ngunit dahil sa dami ng tao ay hindi nila malaman kung paano ito mailalapit sa kanya. Kaya't umakyat sila sa bubungan, tinuklap ang bubong na tisa at sa harapan ni Jesus sa gitna ng silid ay ibinaba ang lalaking nakahiga sa higaan. 20 Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya ay sinabi niya, “Lalaki, pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.” 21 Kaya't nagsimulang magtanong ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga Fariseo, “Sino ba itong nagsasalita ng kalapastanganan sa Diyos? Sino ba ang makapagpapatawad ng mga kasalanan maliban sa Diyos?” 22 Ngunit batid ni Jesus ang kanilang mga iniisip kaya't sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? 23 Alin ba ang mas madali? Ang sabihing, ‘Pinatatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka at lumakad?’ 24 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan,” sinabi niya sa paralitiko, “Sinasabi ko sa iyo, tumindig ka at umuwi ka na sa iyong bahay na dala ang iyong higaan.” 25 Kaagad tumayo ang lalaki sa harapan nila, binuhat ang kanyang higaan, at umuwing nagpupuri sa Diyos. 26 Binalot ng pagkamangha ang lahat at pinuri nila ang Diyos. Napuno sila ng takot at nagsabing, “Kamangha-manghang mga bagay ang nasaksihan natin ngayon!”
Ang Pagtawag kay Levi(D)
27 Pagkatapos ng mga ito ay umalis si Jesus at nakita niya ang isang maniningil ng buwis na ang pangalan ay Levi. Nakaupo ito sa tanggapan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin!” 28 Tumayo si Levi, iniwan ang lahat at sumunod kay Jesus. 29 Ipinaghanda siya ni Levi sa bahay nito ng isang malaking piging. Kasalo nila roon ang maraming maniningil ng buwis at iba pang mga tao. 30 Kaya't nagreklamo sa mga alagad ni Jesus ang mga Fariseo at kanilang mga tagapagturo ng Kautusan. Sinabi nila, “Bakit kayo nakikisalo at umiinom sa piling ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?” 31 Sumagot sa kanila si Jesus, “Hindi ang malulusog ang nangangailangan sa manggagamot kundi ang mga maysakit. 32 Hindi ako pumarito upang tawaging magsisi ang matutuwid kundi ang mga makasalanan.”
Ang Tanong tungkol sa Pag-aayuno(E)
33 Sinabi ng ilan kay Jesus, “Madalas mag-ayuno at manalangin ang mga alagad ni Juan. Gayundin naman ang sa mga Fariseo. Ngunit ang mga alagad mo ay kumakain at umiinom.” 34 Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Dapat bang pag-ayunuhin ninyo ang mga abay ng ikakasal habang kapiling nila ang lalaking ikakasal? 35 Ngunit darating din naman ang mga araw kung kailan ilalayo sa kanila ang lalaking ikakasal. Sa mga araw na iyon pa lamang sila mag-aayuno.” 36 At sinabi niya sa kanila ang isang talinghaga, “Walang pumupunit ng bagong damit at ipinantatagpi iyon sa lumang damit. Kung gagawin iyon, masisira ang bago at ang tagping mula sa bago ay hindi babagay sa luma. 37 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Papuputukin lamang ng bagong alak ang sisidlang balat. Matatapon lang ang alak at masisira ang sisidlan. 38 Sa halip, dapat ilagay ang bagong alak sa bagong sisidlang balat. 39 At walang sinuman na matapos uminom ng lumang alak ang magnanais ng bagong alak. Sa halip, sasabihin niyang, ‘Mas masarap ang lumang alak.’ ”
Hiligaynon Bible (Ang Pulong Sang Dios) Copyright © 1996, 2006 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
