Add parallel Print Page Options

Saan ka nandoon (A)nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa?
Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.
Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman?
O sinong nagunat ng panukat diyan?
Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan?
O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;
Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga.
At ang lahat ng mga anak ng Dios ay (B)naghihiyawan sa kagalakan?

Read full chapter

(A)Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig;
(B)Na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro;
(C)Na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin:

Read full chapter

Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa,
Upang huwag makilos magpakailan man,
Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan;
Ang tubig ay tumatayo (A)sa itaas ng mga bundok.

Read full chapter

12 Sino ang tumakal ng tubig (A)sa palad ng kaniyang kamay, at sumukat sa langit ng dangkal, at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang takal, at tumimbang ng mga bundok sa mga panimbang, at ng mga burol sa timbangan?

13 Sinong pumatnubay (B)ng Espiritu ng Panginoon, o parang kaniyang kasangguni ay nagturo sa kaniya?

14 Kanino siya kumuhang payo, at sinong nagsaysay sa kaniya, at nagturo sa kaniya sa landas ng kahatulan, at nagturo (C)sa kaniya ng kaalaman, at nagpakilala sa kaniya ng daan ng unawa?

15 Narito, ang mga bansa ay parang isang patak ng tubig sa timba, inaari na parang munting alabok sa timbangan: narito, kaniyang itinataas ang mga pulo na parang napakaliit na bagay.

Read full chapter