Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Understand more as you read. Go deeper with Bible Gateway Plus.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Verse of the Day by email. Sign up free.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG2001
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG2001
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Habakuk 2  Ang Biblia, 2001

Ang Sagot ng Panginoon kay Habakuk

2 Ako'y tatayo upang magbantay,
    at magbabantay ako sa ibabaw ng tore,
at tatanaw upang makita ko kung ano ang kanyang sasabihin sa akin,
    at kung ano ang aking isasagot tungkol sa aking daing.
2 At ang Panginoon ay sumagot sa akin:
“Isulat mo ang pangitain,
    at gawin mong malinaw sa mga tapyas na bato,
upang ang makabasa niyon ay makatakbo.
3 Sapagkat(A) ang pangitain ay naghihintay pa ng panahon nito;
    at nagsasalita tungkol sa wakas—hindi ito magsisinungaling.
Kung ito'y parang mabagal ay hintayin mo;
    ito'y tiyak na darating, hindi ito maaantala.
4 Masdan(B) mo ang palalo!
    Hindi tapat sa kanya ang kaluluwa niya,
    ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.
5 Bukod dito ang alak[a] ay mandaraya;
    ang taong hambog ay hindi mamamalagi sa kanyang tahanan.
Ang kanyang nasa ay parang Sheol,
    at siya'y parang kamatayan na hindi masisiyahan.
Kanyang tinitipon para sa kanya ang lahat ng bansa
    at tinitipon para sa kanya ang lahat ng bayan.”

6 Hindi ba ang lahat ng ito ay magsasalita ng kanilang pagtuya at panlilibak laban sa kanya, at kanilang sabihin,

“Kahabag-habag siya na nagpaparami ng di kanya—
    Hanggang kailan ka magpapasan ng mga bagay na mula sa sangla?”
7 Hindi ba biglang tatayo ang iyong mga nagpapautang,
    at magigising ang mga naniningil sa iyo?
    Kung gayon ay magiging samsam ka nila.
8 Sapagkat iyong sinamsaman ang maraming bansa,
    sasamsaman ka ng lahat ng nalabi sa mga tao,
dahil sa dugo ng mga tao at sa karahasang ginawa sa lupain,
    sa mga lunsod at sa lahat ng naninirahan doon.

9 Kahabag-habag siya na may masamang pakinabang para sa kanyang sambahayan,
    upang kanyang mailagay ang kanyang pugad sa itaas,
    upang maligtas sa abot ng kapahamakan!
10 Ikaw ay nagbalak ng kahihiyan sa iyong sambahayan,
    sa pamamagitan ng pagpatay ng maraming tao,
    ikaw ay nagkasala laban sa iyong sarili.
11 Sapagkat ang bato ay daraing mula sa pader,
    at ang biga mula sa mga kahoy ay sasagot.

12 Kahabag-habag siya na nagtatayo ng lunsod sa pamamagitan ng dugo,
    at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan!
13 Hindi ba mula sa Panginoon ng mga hukbo
    na ang mga tao ay gumagawa lamang para sa apoy,
    at ang mga bansa ay nagpapakapagod sa walang kabuluhan?
14 Sapagkat(C) ang lupa ay mapupuno
    ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon,
    gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.
15 Kahabag-habag siya na nagpapainom sa kanyang kapwa,
    na idinadagdag ang iyong kamandag at nilalasing sila,
    upang iyong mamasdan ang kanilang kahubaran!
16 Ikaw ay mapupuno ng kahihiyan sa halip na kaluwalhatian.
    Uminom ka, ikaw, at ilantad ang iyong kahubaran!
Ang kopa sa kanang kamay ng Panginoon
    ay darating sa iyo,
    at ang kahihiyan ang papalit sa iyong kaluwalhatian!
17 Ang karahasang ginawa sa Lebanon ay tatabon sa iyo,
    ang pagkawasak sa mga hayop na tumakot sa kanila,
dahil sa dugo ng mga tao at sa karahasan sa lupain,
    sa mga lunsod at sa lahat ng naninirahan doon.

18 Anong pakinabang sa diyus-diyosan
    pagkatapos na anyuan ito ng gumawa niyon,
isang metal na larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan?
    Sapagkat ang manggagawa ay nagtitiwala sa kanyang sariling nilalang
    kapag siya'y gumagawa ng mga piping diyus-diyosan!
19 Kahabag-habag siya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka;
    sa piping bato, Bumangon ka!
    Makakapagturo ba ito?
Tingnan ninyo, nababalot ito ng ginto at pilak,
    at walang hininga sa loob niyon.

20 Ngunit ang Panginoon ay nasa kanyang templong banal;
    tumahimik ang buong lupa sa harapan niya!

Footnotes

  1. Habakuk 2:5 Sa ibang kasulatan ay kayamanan .

Cross references

  1. 2:3 : Heb. 10:37
  2. 2:4 : Rom. 1:17; Gal. 3:11; Heb. 10:38
  3. 2:14 : Isa. 11:9
Next
Habakuk 1
Habakuk 3
Next
dropdown
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway