Add parallel Print Page Options

Mga inanak ni Sem.

10 (A)Ito ang sali't saling lahi ni Sem. May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad, dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw,

11 At nabuhay si Sem, pagkatapos na maipanganak si Arphaxad, ng limang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

12 At nabuhay si Arphaxad, ng tatlong pu't limang taon, at naging anak si Sala.

13 At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

14 At nabuhay si Sala ng tatlong pung taon, at naging anak si Heber:

15 At nabuhay si Sala pagkatapos na maipanganak si Heber, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

16 (B)At nabuhay si Heber ng tatlong pu't apat na taon, at naging anak si Peleg:

17 At nabuhay si Heber pagkatapos na maipanganak si Peleg, ng apat na raan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

18 At nabuhay si Peleg ng tatlong pung taon, at naging anak si Reu:

19 At nabuhay si Peleg pagkatapos na maipanganak si Reu, ng dalawang daan at siyam na taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

20 At nabuhay si Reu ng tatlong pu't dalawang taon, at naging anak si Serug:

21 At nabuhay si Reu pagkatapos na maipanganak si Serug, ng dalawang daan at pitong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

22 At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon, at naging anak si Nachor:

23 At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor, ng dalawang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

24 At nabuhay si Nachor ng dalawang pu't siyam na taon, at naging anak si Thare:

25 At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare, ng isang daan at labing siyam na taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

26 At nabuhay si Thare ng pitong pung taon, (C)at naging anak si Abram, si Nachor at si Haran.

Read full chapter

34 Ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni (A)Tare, ni Nacor,

35 Ni Serug, ni Regan, ni Paleg, ni Heber, ni Selah,

36 Ni (B)Cainan, ni Arfaxjad, ni (C)Sem, ni Noe, ni Lamec,

Read full chapter