Add parallel Print Page Options

132 Panginoon, alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian;

Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon, at nanata sa Makapangyarihan ni Jacob:

Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay, ni sasampa man sa aking higaan,

Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata, o magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata;

Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon, ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.

Narito, narinig namin sa Ephrata: aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.

Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo; kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.

Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako: ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.

Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran; at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.

10 Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis.

11 Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan; hindi niya babaligtarin: ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.

12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking patotoo na aking ituturo, magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.

13 Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion; kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.

14 Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man. Dito ako tatahan; sapagka't aking ninasa.

15 Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain; aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.

16 Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan: at ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.

17 Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David: aking ipinaghanda ng ilawan ang aking pinahiran ng langis.

18 Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan: nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.

Awit ng Pag-akyat.

132 Panginoon, alalahanin mo para kay David
    ang lahat ng kanyang kahirapan,
kung paanong sumumpa siya sa Panginoon,
    at nangako sa Makapangyarihan ni Jacob,
“Hindi ako papasok sa aking bahay,
    ni hihiga sa aking higaan,
Mga mata ko'y hindi ko patutulugin,
    ni mga talukap ng mata ko'y paiidlipin,
hanggang sa ako'y makatagpo ng lugar para sa Panginoon,
    isang tirahang pook para sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.”
Narinig(A) namin ito sa Efrata,
    natagpuan namin ito sa mga parang ng Jaar.
“Tayo na sa kanyang lugar na tirahan;
    sumamba tayo sa kanyang paanan!”

Bumangon ka, O Panginoon, at pumunta ka sa iyong dakong pahingahan,
    ikaw at ang kaban ng iyong kalakasan.
Ang iyong mga pari ay magsipagbihis ng katuwiran,
    at sumigaw sa kagalakan ang iyong mga banal.
10 Alang-alang kay David na iyong lingkod,
    mukha ng iyong binuhusan ng langis ay huwag mong italikod.

11 Ang(B) Panginoon ay sumumpa kay David ng isang katotohanan
    na hindi niya tatalikuran:
“Ang bunga ng iyong katawan
    ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan
    at ang aking patotoo na aking ituturo sa kanila,
    magsisiupo rin ang mga anak nila sa iyong trono magpakailanman.”

13 Sapagkat pinili ng Panginoon ang Zion;
    kanya itong ninasa para sa kanyang tirahan.
14 “Ito'y aking pahingahang dako magpakailanman;
    sapagkat ito'y aking ninasa, dito ako tatahan.
15 Ang kanyang pagkain ay pagpapalain ko ng sagana;
    aking bubusugin ng tinapay ang kanyang dukha.
16 Ang kanyang mga pari ay daramtan ko ng kaligtasan,
    at ang kanyang mga banal ay sisigaw ng malakas sa kagalakan.
17 Doo'y(C) magpapasibol ako ng sungay para kay David,
    aking ipinaghanda ng ilawan ang aking binuhusan ng langis.
18 Ang kanyang mga kaaway ay daramtan ko ng kahihiyan,
    ngunit ang kanyang korona ay magbibigay ng kaningningan.”

求上帝賜福聖殿

上聖殿朝聖之詩。

132 耶和華啊,
求你顧念大衛和他所受的一切苦難。
他曾向你起誓,
向雅各的大能者許願說:
3-5 「我不為耶和華找到居所,
不為雅各的大能者找到安居之處,
必不進家門,
不沾床,不睡覺,不打盹。」

我們在以法他聽到約櫃的消息,
在基列·耶琳找到了它。
讓我們進入耶和華的居所,
在祂腳前俯伏敬拜。

耶和華啊,
求你起來和你大能的約櫃一同進入聖所。
願你的祭司身披公義,
願你忠心的子民高聲歡唱。
10 為了你僕人大衛的緣故,
求你不要棄絕你所膏立的人。

11 耶和華曾向大衛起了永不廢棄的誓說:
「我必使你的後代繼承你的王位。
12 你的後代若守我的約,
遵行我教導他們的法度,
他們的子孫必永遠坐在你的寶座上。」
13 因為耶和華已經揀選了錫安,
願意將錫安作為祂的居所。
14 祂說:「這是我永遠的居所;
我要住在這裡,
因為我喜愛這地方。
15 我要使她糧食充足,
使她裡面的窮人飲食無憂。
16 我要用救恩作她祭司的衣裳,
城裡忠心的子民必高聲歡唱。
17 我必使大衛的後裔在那裡做王,
我必為我所膏立的預備明燈。
18 我必使他的仇敵滿面羞愧,
但他頭上的王冠必光芒四射。」

132 1-5 O God, remember David,
    remember all his troubles!
And remember how he promised God,
    made a vow to the Strong God of Jacob,
“I’m not going home,
    and I’m not going to bed,
I’m not going to sleep,
    not even take time to rest,
Until I find a home for God,
    a house for the Strong God of Jacob.”

6-7 Remember how we got the news in Ephrathah,
    learned all about it at Jaar Meadows?
We shouted, “Let’s go to the shrine dedication!
    Let’s worship at God’s own footstool!”

8-10 Up, God, enjoy your new place of quiet repose,
    you and your mighty covenant ark;
Get your priests all dressed up in justice;
    prompt your worshipers to sing this prayer:
“Honor your servant David;
    don’t disdain your anointed one.”

11-18 God gave David his word,
    he won’t back out on this promise:
“One of your sons
    I will set on your throne;
If your sons stay true to my Covenant
    and learn to live the way I teach them,
Their sons will continue the line—
    always a son to sit on your throne.
Yes—I, God, chose Zion,
    the place I wanted for my shrine;
This will always be my home;
    this is what I want, and I’m here for good.
I’ll shower blessings on the pilgrims who come here,
    and give supper to those who arrive hungry;
I’ll dress my priests in salvation clothes;
    the holy people will sing their hearts out!
Oh, I’ll make the place radiant for David!
    I’ll fill it with light for my anointed!
I’ll dress his enemies in dirty rags,
    but I’ll make his crown sparkle with splendor.”