Add parallel Print Page Options

At siya'y naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako, at sa mga burol, at sa ilalim ng bawa't punong kahoy na sariwa.

Read full chapter

May dalawangpung taon si Achaz nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem: at hindi siya gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios, na gaya ni David na kaniyang magulang.

Kundi siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, oo, at kaniyang (A)pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, ayon sa mga (B)karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon mula sa harap ng mga anak ni Israel.

At siya'y (C)naghain, at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako, at sa mga burol, at sa (D)ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy.

Read full chapter