Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
A new Bible Gateway experience is here. Spot something unexpected? Tell us what needs a closer look.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
One verse. Every morning. Sign up.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG1978
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG1978
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

2 Mga Hari 11  Ang Biblia (1978)

Ang lahat na dugong hari ay ipinapatay ni Athalia.

11 Nang makita nga ni (A)Athalia na (B)ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay, siya'y tumindig at nilipol ang lahat na (C)lahing hari.

2 Nguni't kinuha ni (D)Josaba, na anak na babae ng haring Joram, na kapatid na babae ni Ochozias, si (E)Joas na anak ni Ochozias, at kinuhang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay, siya, at ang kaniyang yaya, at inilagay sila sa silid na tulugan; at kaniyang ikinubli siya kay Athalia, na anopa't siya'y hindi napatay.

3 At siya'y nakakubling kasama niya sa bahay ng Panginoon na anim na taon: at si Athalia ay naghari sa lupain.

Ang pagtutol ni Josaba.

4 At nang ikapitong taon, si (F)Joiada ay nagsugo, at kinuha ang mga punong kawal ng dadaanin, sa mga Cariteo, at (G)sa bantay, at ipinagsama niya sa bahay ng Panginoon; at siya'y nakipagtipan sa kanila, at pinasumpa sila sa bahay ng Panginoon, at ipinakita sa kanila ang anak ng hari;

5 At kaniyang iniutos sa kanila, na sinasabi, ito ang bagay na inyong gagawin: (H)ang ikatlong bahagi ninyo na papasok sa sabbath ay magiging bantay sa bahay ng hari;

6 At ang ikatlong bahagi ay malalagay sa (I)pintuang-bayan ng Sur; at ang ikatlong bahagi ay sa pintuang-bayan sa likod ng bantay: gayon kayo magbabantay sa bahay, at magiging hadlang.

7 At ang dalawang pulutong ninyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na nagsilabas sa sabbath, ay magbabantay ng bahay ng Panginoon sa palibot ng hari.

8 At inyong kukulungin ang hari sa palibot, na bawa't isa'y may dalang kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay; at ang pumasok sa hanay, patayin: at kayo'y magsiabay sa hari pagka siya'y lumalabas, at pagka siya'y pumapasok.

9 At ginawa ng mga punong kawal ng dadaanin ang ayon sa lahat na iniutos ni Joiada na saserdote: at kinuha ng bawa't lalake ang kaniyang mga lalake, yaong nagsisipasok sa sabbath na kasama ng mga nagsisilabas sa sabbath, at nagsiparoon kay Joiada na saserdote.

10 At ibinigay ng saserdote sa mga punong kawal ng dadaanin ang mga sibat at ang mga (J)kalasag na naging sa haring David, na nangasa bahay ng Panginoon.

11 At ang bantay ay tumayo, bawa't isa'y may kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay, mula sa dakong kanan ng bahay hanggang sa dakong kaliwa ng bahay, sa siping ng dambana at ng bahay, sa siping ng hari sa palibot.

12 Nang magkagayo'y inilabas niya ang anak ng hari, at (K)inilagay niya ang putong sa kaniya, at binigyan siya ng (L)patotoo; at ginawa nila siyang hari, at pinahiran siya ng langis; at kanilang ipinakpak ang kanilang mga kamay, at nagsipagsabi, Mabuhay ang hari.

Pinatay si Athalia.

13 At nang marinig ni Athalia ang ingay ng bantay at ng bayan, ay naparoon siya sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon.

14 At siya'y tumingin, at, narito, ang hari ay nakatayo sa siping ng haligi (M)ayon sa kaugalian, at ang mga punong kawal at ang mga pakakak sa siping ng hari; at ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at (N)humihip ng mga pakakak. Nang magkagayo'y hinapak ni Athalia ang kaniyang kasuutan, at humiyaw Paglililo! paglililo!

15 At si Joiada na saserdote ay nagutos sa mga punong kawal ng dadaanin na (O)nalalagay sa hukbo, at nagsabi sa kanila, Palabasin ninyo siya sa pagitan ng mga hanay, at ang sumunod sa kaniya, patayin ng tabak: sapagka't sinabi ng saserdote, Huwag patayin siya sa bahay ng Panginoon.

16 Sa gayo'y binigyang daan nila siya, at siya'y naparoon sa daan na pinapasukan (P)ng mga kabayo sa bahay ng hari; at doon siya pinatay.

Ang pagsamba ay binago.

17 (Q)At si Joiada ay nakipagtipan sa Panginoon at sa hari at sa bayan, na sila'y magiging bayan ng Panginoon; (R)gayon din sa hari at sa bayan.

18 At ang buong bayan ng lupain ay naparoon sa bahay ni (S)Baal, at ibinagsak; ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan ay pinagputolputol nilang mainam, at (T)pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana. At (U)ang saserdote ay naghalal ng mga katiwala sa bahay ng Panginoon.

19 At kaniyang ipinagsama ang mga punong kawal ng mga dadaanin, at ang mga Cariteo, at ang bantay, at ang buong bayan ng lupain; at kanilang ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon, at nagsipagdaan sa (V)pintuang-bayan ng bantay hanggang sa bahay ng hari. At siya'y naupo sa luklukan ng mga hari.

20 Sa gayo'y ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at ang bayan ay tahimik. At pinatay nila ng tabak si Athalia sa bahay ng hari.

21 Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari.

Cross references

  1. 11:1 : Hanggang tal. 21; 2 Cron. 22:10—24:1.
  2. 11:1 : 2 Hari 8:26.
  3. 11:1 : 2 Hari 25:25.
  4. 11:2 : 1 Hari 12:28, 29.
  5. 11:2 : tal. 1; 2 Hari 12:1, etc.
  6. 11:4 : 2 Cron. 23:1.
  7. 11:4 : 2 Hari 10:25.
  8. 11:5 : 1 Cron. 9:25.
  9. 11:6 : 2 Cron. 23:5.
  10. 11:10 : 2 Sam. 8:7.
  11. 11:12 : 2 Sam. 1:10.
  12. 11:12 : Ex. 25:16; 31:18; Deut. 17:18.
  13. 11:14 : 2 Hari 23:3; 2 Cron. 34:31.
  14. 11:14 : 1 Hari 1:34.
  15. 11:15 : 2 Cron. 23:14.
  16. 11:16 : 2 Cron. 23:15.
  17. 11:17 : Jos. 24:25.
  18. 11:17 : 2 Sam. 5:3.
  19. 11:18 : 2 Hari 10:21-26.
  20. 11:18 : Deut. 12:3.
  21. 11:18 : 2 Cron. 24:11.
  22. 11:19 : tal. 6; 2 Cron. 23:20.
Next
2 Mga Hari 10
2 Mga Hari 12
Next
dropdown
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway