Add parallel Print Page Options

Ganito rin ang isinusulat ko sa inyo at baka sa pagdating ko ay mapighati ako nila na dapat ay magpagalak sa akin. May pagtitiwala ako sa inyong lahat na ang aking kagalakan ay ang kagalakan ninyong lahat. Ito ay sapagkat sa maraming kapighatian at kahapisan ng puso, sumulat ako sa inyo na may maraming pagluha, hindi upang pighatiin kayo kundi upang malaman ninyo ang kasaganaan ng pag-ibig ko sa inyo.

Read full chapter

Kaya't sumulat ako sa inyo, upang pagdating ko ay hindi ako palungkutin ng mga taong dapat ay magpapasaya sa akin. May tiwala ako sa inyong lahat na masaya kayo kung masaya ako. Sumulat ako sa inyo sa gitna ng matinding paghihirap ng kalooban at pangamba ng puso at kasabay ng maraming pagluha, hindi upang kayo'y palungkutin kundi upang malaman ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig ko sa inyo.

Read full chapter