Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Read Scripture without ads. Study with fewer distractions with Bible Gateway Plus.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Finding your way around? Take the tour.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ASND
Version
Bible Books Bible Books
ASND
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

1 Cronica 24  Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)

Ang Gawain ng mga Pari

24 Ito ang mga grupo ng mga angkan ni Aaron:

Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 2 Pero unang namatay sina Nadab at Abihu sa kanilang ama, at wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang mga pari. 3 Sa tulong nina Zadok na mula sa angkan ni Eleazar, at Ahimelec na mula sa angkan ni Itamar, pinagbukod-bukod ni Haring David ang angkan ni Aaron ayon sa kanilang tungkulin. 4 Ang angkan ni Eleazar ay hinati sa 16 na grupo at ang angkan ni Itamar sa walong grupo, dahil mas marami ang mga pinuno sa pamilya ng angkan ni Eleazar. 5 Ang lahat ng gawain ay hinati sa mga grupo sa pamamagitan ng palabunutan, kaya may mga opisyal ng templo na naglilingkod sa Dios mula sa mga angkan ni Eleazar at mula sa mga angkan ni Itamar.

6 Si Shemaya na anak ni Netanel na Levita ang kalihim. Itinala niya ang pangalan ng mga pari sa harap ng hari at ng mga opisyal na sina Zadok na pari, Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at ng mga Levita. Salitan sa pagbunot ang angkan nina Eleazar at Itamar.

7 Ang unang nabunot ay si Jehoyarib,

ang ikalawa ay si Jedaya,

8 ang ikatlo ay si Harim,

ang ikaapat ay si Seorim,

9 ang ikalima ay si Malkia,

ang ikaanim ay si Mijamin,

10 ang ikapito ay si Hakoz,

ang ikawalo ay si Abijah,

11 ang ikasiyam ay si Jeshua,

ang ikasampu ay si Shecania,

12 ang ika-11 ay si Eliashib,

ang ika-12 ay si Jakim,

13 ang ika-13 ay si Huppa,

ang ika-14 ay si Jeshebeab,

14 ang ika-15 ay si Bilga,

ang ika-16 ay si Imer,

15 ang ika-17 ay si Hezir,

ang ika-18 ay si Hapizez,

16 ang ika-19 ay si Petahia,

ang ika-20 ay si Jehezkel,

17 ang ika-21 ay si Jakin,

ang ika-22 ay si Gamul,

18 ang ika-23 ay si Delaya,

at ang ika-24 ay si Maazia.

19 Ginawa nila ang kanilang mga tungkulin sa templo ng Panginoon ayon sa tuntunin na ibinigay ng ninuno nilang si Aaron mula sa Panginoon, ang Dios ng Israel.

Ang mga Pinuno ng mga Pamilya ng mga Levita

20 Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng iba pang lahi ni Levi:

Mula sa angkan ni Amram: si Shubael.

Mula sa angkan ni Shubael: si Jedeya.

21 Mula sa angkan ni Rehabia: si Ishia, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya.

22 Mula sa angkan ni Izar: si Shelomot.

Mula sa angkan ni Shelomot: si Jahat.

23 Mula sa angkan ni Hebron: si Jeria ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amaria ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo at si Jekameam ang ikaapat.

24 Mula sa angkan ni Uziel: si Micas.

Mula sa angkan ni Micas: si Shamir.

25 Mula sa angkan ni Ishia na kapatid na lalaki ni Micas: si Zacarias.

26 Mula sa angkan ni Merari: sina Mahli at Mushi.

Mula sa angkan ni Jaazia: si Beno.

27 Mula sa angkan ni Merari sa pamamagitan ni Jaazia: sina Beno, Shoham, Zacur at Ibri.

28 Mula sa angkan ni Mahli: si Eleazar, na walang mga anak na lalaki.

29 Mula sa angkan ni Kish: si Jerameel.

30 Mula sa angkan ni Mushi: sina Mahli, Eder at Jerimot.

Iyon ang mga Levita ayon sa kanilang mga pamilya. 31 Katulad ng ginawa ng mga angkan ni Aaron, nagpalabunutan din sila para malaman ang mga tungkulin nila, anuman ang kanilang edad. Ginawa nila ito sa harap nina Haring David, Zadok, Ahimelec at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at mga Levita.

Next
1 Cronica 23
1 Cronica 25
Next
dropdown
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®

Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway