A A A A A
Bible Book List

1 Corinto 8Ang Salita ng Diyos (SND)

Ang Pagkaing Inialay sa mga Diyos-diyosan

Isinusulat ko ang patungkol sa pagkaing inihain sa mga diyos-diyosan. Alam natin na lahat tayo ay may kaalaman. Ang kaalaman ay nakakapagpayabang ngunit ang pag-ibig ay nakakapagpatatag. Ngunit kung ang sinuman ay nag-aakalang alam niya ang anumang bagay, siya ay wala pang nalalaman sa dapat niyang malaman. Kung ang sinuman ay umiibig sa Diyos, kilala siya ng Diyos.

Patungkol sa mga pagkaing inihain sa mga diyos-diyosan, alam nating walang halaga ang diyos-diyosan sa sanlibutan. Alam nating wala nang ibang Diyos maliban sa isa. Sapagkat maraming mga tinatawag na diyos sa langit man o sa lupa, maraming diyos, maraming panginoon. Subalit para sa atin iisa lamang ang Diyos, ang Ama. Sa kaniya nagmula ang lahat ng mga bagay at tayo ay para sa kaniya. Iisa lamang ang Panginoong Jesucristo. Sa pamamagitan niya nagmula ang lahat ng mga bagay at tayo ay nabubuhay sa pamamagitan niya.

Subalit hindi lahat ay may kaalaman. Dahil sa kanilang budhi patungkol sa mga diyos-diyosan, hanggang ngayon ay may ilang tao na kapag kinakain nila ang mga bagay na ito, iniisip nilang iyon ay inihain sa diyos-diyosan. At dahil mahihina ang kanilang budhi, iyon ay nadudungisan. Hindi tayo nagiging katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ng pagkain sapagkat kapag kumain tayo, hindi ito makakabuti sa atin. Kapag hindi tayo kumain, hindi ito makakasama sa atin.

Ngunit mag-ingat kayo baka ang karapatang ito ay maging katitisuran sa mga mahihina. 10 Ito ay sapagkat ikaw na may kaalaman, kung kumain ka sa templo ng mga diyos-diyosan at kung makita ka ng isang taong may mahinang budhi, hindi kaya lumakas ang loob niyang kumain din ng mga inihandog sa mga diyos-diyosan? 11 Dahil sa iyo na may kaalaman, hindi rin kaya masira ang buhay ng mahina mong kapatid, na kung kanino si Cristo ay namatay? 12 Sa ganito ay nagkakasala ka laban sa iyong mga kapatid at sinusugatan ang kanilang mahihinang budhi at nagkakasala ka laban kay Cristo. 13 Kaya nga, kung ang pagkain ko nito ay makakapagpatisod sa aking kapatid, hindi na ako kakain ng laman kailanman upang hindi ako maging katitisuran sa aking kapatid.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes