A A A A A
Bible Book List

1 Corinto 7:29-31 Ang Salita ng Diyos (SND)

29 Mga kapatid, ito ang sasabihin ko: Maikli na ang panahon, kaya mula ngayon, ang mga may asawa ay maging tulad nang mga walang asawa. 30 Ang mga nananangis ay maging parang mga hindi nananangis, ang mga nagagalak ay maging parang mga hindi nagagalak. Ang mga bumibili ay maging parang mga walang naging pag-aari. 31 Ang mga nagtatamasa ng mga bagay sa sanlibutang ito ay maging parang mga hindi nagtamasa ng lubos sapagkat ang kaanyuan ng sanlibutang ito ay lumilipas.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

1 Corinto 15:51-54 Ang Salita ng Diyos (SND)

51 Narito, sinasabi ko sa inyo ang isang hiwaga: Hindi lahat sa atin ay matutulog ngunit lahat ay babaguhin. 52 Lahat ay babaguhin sa isang iglap, sa isang kisap mata, sa huling pagtunog ng trumpeta dahil ang trumpeta ay tutunog at ang mga patay ay ibabangong walang kabulukan at tayo ay mababago. 53 Ito ay sapagkat kinakailangang ang may kabulukang ito ay maging walang kabulukan at ang may kamatayang ito ay maging walang kamatayan. 54 Kapag ang may kabulukan ay maging walang kabulukan at ang may kamatayan ay maging walang kamatayan, matutupad ang salitang isinulat:

Ang kamatayan ay nilamon na sa tagumpay.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes