A A A A A
Bible Book List

Roma 6:14 Ang Salita ng Diyos (SND)

14 Ang kasalanan ay hindi dapat maghari sa inyo dahil hindi kayo nasa ilalim ng kautusan. Kayo ay nasa ilalim ng biyaya.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

Roma 7:1-7 Ang Salita ng Diyos (SND)

Isang Paglalarawan Mula sa Pag-aasawa

Mga kapatid, hindi ba ninyo alam na ang kautusan ay naghahari sa tao habang siya ay nabubuhay? Ako ay nagsasalita sa mga taong nakakaalam ng kautusan. Ang babaeng may asawa ay nakatali sa kaniyang asawa sa pamamagitan ng kautusan habang nabubuhay ang lalaki. Kapag ang lalaki ay namatay, ang asawang babae ay malaya na sa kautusan na patungkol sa asawang lalaki. Kaya nga, ang babae ay tatawaging mangangalunya kung magpapakasal siya sa ibang lalaki. Ito ay kung buhay pa ang kaniyang asawang lalaki. Ngunit kapag ang kaniyang asawa ay namatay na, siya ay malaya na sa kautusan. Hindi siya tatawaging mangangalunya kahit na magpakasal siya sa ibang lalaki.

Kaya nga, mga kapatid, kayo rin ay ginawa nang mga patay sa kautusan upang kayo ay mapakasal sa iba. Ito ay sa pamamagitan ng katawan ni Cristo, na ibinangon mula sa mga patay upang tayo ay magbunga para sa Diyos. Ito ay sapagkat nang tayo ay likas pang makalaman, ang makasalanang hangarin na galing sa kautusan ay gumagawa sa mga bahagi ng ating katawan. Gumagawa ito upang tayo ay magbunga patungo sa kamatayan. Ngunit ngayon, tayo ay patay na sa dating gumagapos sa atin. Tayo nga ay pinalaya sa kautusan upang tayo ay maglingkod sa pagbabago sa espiritu at hindi sa lumang titik ng kautusan.

Pakikipagtunggali sa Kasalanan

Ano ngayon ang sasabihin natin? Kasalanan ba ang kautusan? Huwag nawang mangyari. Hindi ko nalaman ang kasalanan kundi dahil sa kautusan. Hindi ko rin nakilala ang masamang pagnanasa kundi sinabi ng kautusan: Huwag kang mag-iimbot.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes