A A A A A
Bible Book List

Roma 15:23-28 Ang Salita ng Diyos (SND)

Ang Balak na Pagdalaw ni Pablo sa Roma

23 Sa ngayon wala na akong kalalagyan sa mga lalawigang ito. Maraming taon na rin akong nananabik na pumunta sa inyo. 24 Kapag ako ay makapunta sa Espanya, pupunta ako sa inyo sapagkat inaasahan kong makita kayo sa aking paglalakbay at matulungan ninyo ako sa patuloy kong paglalakbay. Ito ay pagkatapos na magkaroon ako ng kasiyahan sa ating pagsasama-sama. 25 Sa ngayon, ako ay papunta sa Jerusalem upang maglingkod sa mga banal. 26 Ito ay sapagkat isang kaluguran sa mga taga-Macedonia at sa mga taga-Acaya ang makapagbigay ng kaloob sa pagsasama-sama ng mga mahihirap sa mga banal na nasa Jerusalem. 27 Nalugod sila sa paggawa nito at ito ay ibinilang nilang pagkakautang nila sa kanila sapagkat ang mga Gentil ay naging kabahagi ng mga Judio sa kanilang espirituwal na pagpapala. Kaya naman ang mga Gentil ay dapat na maglingkod sa mga Judio sa mga bagay na ukol sa katawan. 28 Kaya nga, tatapusin ko ang tungkuling ito at titiyakin kong matanggap nila ang bungang ito. Pagkatapos, dadaan ako sa inyo pagpunta ko sa Espanya.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes