A A A A A
Bible Book List

Roma 15:16-20 Ang Salita ng Diyos (SND)

16 Biniyayaan ako ng Diyos na maging natatanging tagapaglingkod ni Jesucristo sa mga Gentil upang paglingkuran ko nang may kabanalan ang ebanghelyo ng Diyos. Ito ay upang ang paghain ng mga Gentil, na pinabanal ng Banal na Espiritu, ay maging katanggap-tanggap.

17 Dahil dito mayroon akong dahilan upang ipagmalaki, sa pamamagitan ni Jesucristo, ang mga bagay na patungkol sa Diyos. 18 Hindi ako maglakas-loob na magsalita ng mga bagay na hindi ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko upang ang mga Gentil ay sumunod sa pamamagitan ng salita at gawa. 19 Ito rin ay upang sumunod ang mga Gentil sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga himala, ng mga tanda at ng mga kamangha-manghang gawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Kaya nga, sa ganang akin, mula sa Jerusalem hanggang sa palibot ng Iliricum ay naipangaral ko na nang lubos ang ebanghelyo ni Cristo. 20 Kaya nga, lubos kong minimithi na maipangaral ang ebanghelyo, hindi sa mga dakong kilala na si Cristo, upang hindi ako makapagtayo sa saligang itinayo ng iba.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes