A A A A A
Bible Book List

Pahayag 19:11-15 Ang Salita ng Diyos (SND)

Ang Nakasakay sa Kabayong Puti

11 Nang bumukas ang langit, narito, nakita ko ang isang puting kabayo. At ang nakaupo roon, ay tinawag na Tapat at Totoo. Siya ay humahatol at nakikipagdigma ng matuwid. 12 Ang kaniyang mga mata ay katulad ng alab ng apoy. Sa kaniyang ulo ay nakasuot ang maraming koronang panghari at nakasulat ang kaniyang pangalan na walang sinumang nakakaalam maliban sa kaniyang sarili. 13 Siya ay nakasuot ng isang kasuotang itinubog sa dugo. Ang kaniyang pangalan ay Salita ng Diyos. 14 At ang mga hukbo sa langit ay sumusunod sa kaniya na nakasakay sa mga puting kabayo. Sila ay nakasuot ng kayong lino na maputi at malinis. 15 At isang matalim na tabak ang lumabas mula sa kaniyang bibig. Sinugatan niya ang mga bansa sa pamamagitan nito. Siya ay magpapastol sa kanila sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Niyuyurakan niya ang pisaang ubas ng kabagsikan ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes