A A A A A
Bible Book List

Mateo 8:5-13 Ang Salita ng Diyos (SND)

Ang Kapitan ay Nanampalataya

Nang pumasok na si Jesus sa Capernaum, may lumapit sa kaniya na isang kapitan na namamanhik sa kaniya. Sinabi ng kapitan: Panginoon, ang aking lingkod ay nakaratay sa bahay, lumpo at lubhang nahihirapan.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ay paroroon at pagagalingin ko siya.

Ngunit sumagot ang kapitan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na ikaw ay pumasok sa aking bahay. Ngunit magsalita ka lamang at mapapagaling mo na ang aking lingkod. Ito ay sapagkat ako rin naman ay isang taong nasa ilalim ng kapamahalaan na may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isang tao: Pumaroon ka. At pumaparoon siya. Sinasabi ko naman sa iba: Halika. At lumalapit siya. Sa aking alipin naman ay sinasabi ko: Gawin mo ito. At kaniya itong ginagawa.

10 Namangha si Jesus nang marinig niya ito. Sinabi niya sa mga sumusunod sa kaniya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kahit sa mga taga-Israel ay hindi ko nasumpungan ang ganito kalaking pananampalataya. 11 Sinasabi ko sa inyo na marami ang manggagaling sa silangan at kanluran at kakaing kasama ni Abraham, Isaac at Jacob sa paghahari ng langit. 12 Ngunit ang mga anak ng paghahari ay itatapon sa kadiliman sa labas. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.

13 Sinabi ni Jesus sa kapitan: Lumakad ka na. Mangyayari ang ayon sa pananampalataya mo. At ang kaniyang lingkod ay gumaling sa oras ding iyon.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes