A A A A A
Bible Book List

Mateo 28:11-15 Ang Salita ng Diyos (SND)

Ang Ulat ng mga Bantay

11 Habang sila ay papaalis, narito, ang mga bantay ay umalis papuntang lungsod. Kanilang iniulat sa mga pinunong-saserdote ang lahat ng mga nangyari. 12 Sila ay nagtipun-tipon kasama ng matatanda. At nang makapagsangguni na sila, binigyan nila ng malaking halagang salapi ang mga bantay. 13 Sinabi nila: Sabihin ninyo na dumating ang kaniyang mga alagad nang gabi habang kami ay natutulog at ninakaw nila si Jesus. 14 Kapag ito ay narinig ng gobernador, hihimukin namin siya at ililigtas kayo sa inyong pananagutan. 15 Kinuha nila ang salapi at ginawa ang ayon sa itinuro sa kanila. Ang ulat na ito ay kumalat sa mga Judio hanggang sa kasalukuyan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes