A A A A A
Bible Book List

Mateo 16:1-4 Ang Salita ng Diyos (SND)

Hiningan si Jesus ng Tanda

16 Lumapit ang mga Fariseo at ang mga Saduseo upang siya ay subukin. Hiniling nila sa kaniya na magpakita siya sa kanila ng isang tanda mula sa langit.

Sumagot siya at sinabi sa kanila: Kung gabi ay sinasabi ninyo: Bubuti ang panahon dahil mapula ang langit. Kung umaga naman ay sinasabi ninyo: Masama ang panahon dahil mapula at makulimlim ang langit. O, kayong mga mapagpaimbabaw! Alam ninyong kilalanin ang anyo ng langit ngunit hindi ninyo alam kilalanin ang mga tanda ng panahon. Ang mga tao sa panahong ito ay masama at mapangalunya. Mahigpit silang naghahangad ng isang tanda. Ngunit walang ibibigay na tanda sa kanila kundi ang tanda ni propeta Jonas. Umalis si Jesus at iniwan sila.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes