A A A A A
Bible Book List

Mateo 10:1-4 Ang Salita ng Diyos (SND)

Sinugo ni Jesus ang Labindalawang Alagad

10 Tinawag niya at pinalapit ang kaniyang labindalawang alagad. Pagkatapos, binigyan niya sila ng kapamahalaan upang magpalabas ng mga karumal-dumal na espiritu. Binigyan din niya sila ng kapamahalaang magpagaling ng lahat ng uri ng sakit at lahat ng uri ng karamdaman.

Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: Ang una ay si Simon na tinatawag na Pedro at ang kaniyang kapatid na si Andres. Si Santiago na anak ni Zebedeo at ang kaniyang kapatid na si Juan. Sina Felipe, Bartolome at Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis. Si Santiago na anak ni Alfeo at si Leveo na tinatawag na Tadeo. Si Simon na kabilang sa Makabayan at si Judas na taga-Keriot, na nagkanulo sa kaniya.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes