A A A A A
Bible Book List

Marcos 15:42-47 Ang Salita ng Diyos (SND)

Inilibing Nila si Jesus

42 Noon ay araw ng Paghahanda, nang gumabi, na siyang araw bago ang araw ng Sabat. 43 At dumating si Jose na taga-Arimatea na isang marangal na kasapi ng Sanhedrin. Siya ay naghihintay din sa paghahari ng Diyos. Naglakas-loob siyang pumunta kay Pilato upang hingin ang katawan ni Jesus. 44 Namangha si Pilato na patay na si Jesus. Ipinatawag niya ang Kapitan at itinanong niya kung matagal nang patay si Jesus. 45 Nang mabatid niya ito sa Kapitan pinahintulutan niya si Jose na kunin ang bangkay ni Jesus. 46 Bumili siya ng telang lino. Ibinaba niya siya at binalot ng telang lino at inilagay sa libingan. Ang libingan ay iniuka sa bato at sa bukana nito ay may iginulong na bato. 47 Nakita ni Maria na taga-Magdala at ni Maria na ina ni Jose kung saan siya inilagay.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes