A A A A A
Bible Book List

Marcos 10:46-52 Ang Salita ng Diyos (SND)

Nakakita ang Bulag

46 Sila ay dumating sa Jerico. Habang si Jesus na kasama ang kaniyang mga alagad at ang napakaraming tao ay papalabas sa Jerico, ang bulag na si Bartimeo na anak ni Timeo ay nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. 47 Nang marinig niya na si Jesus na taga-Nazaret ang naroon, nagsimula siyang sumigaw. Sinabi niya: O anak ni David, Jesus, mahabag ka sa akin.

48 Sinaway siya ng napakaraming tao upang tumahimik. Ngunit lalo siyang sumigaw: Anak ni David, mahabag ka sa akin.

49 Huminto si Jesus at ipinatawag siya.
Tinawag nila ang bulag na sinasabi: Lakasan mo ang iyong loob, tumindig ka, tinatawag ka ni Jesus. 50 Itinapon niya ang kaniyang balabal, tumindig at lumapit kay Jesus.

51 Sinabi sa kaniya ni Jesus: Ano ang nais mong gawin ko sa iyo?
Sumagot ang bulag at sinabi: Guro, nais kong matanggap ang aking paningin.

52 Sinabi ni Jesus: Humayo ka. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Kaagad tinanggap ng bulag ang kaniyang paningin. Siya ay sumunod kay Jesus sa daan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes