A A A A A
Bible Book List

Lucas 22:47-54 Ang Salita ng Diyos (SND)

Dinakip Nila si Jesus

47 Habang nagsasalita pa siya, narito, dumating ang maraming tao. Siya na tinatawag na Judas, isa sa labindalawang alagad, ay nauuna sa kanila. Lumapit siya kay Jesus upang halikan siya. 48 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Judas, sa pamamagitan ba ng halik ay ipagkakanulo mo ang Anak ng Tao?

49 Nakita ng mga nasa palibot niya kung ano ang mangyayari. Dahil dito sinabi nila: Panginoon, mananaga ba kami? 50 Tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng pinakapunong-saserdote at natanggal ang kanang tainga nito.

51 Sumagot si Jesus: Tigil! Tama na ang mga ito. Hinipo ni Jesus sa tainga ang alipin at pinagaling niya ito.

52 Ang mga dumating laban sa kaniya ay ang mga pinunong-saserdote, mga tanod sa templo at mga matanda. Sinabi niya sa mga ito: Lumabas ba kayong may mga tabak at pamalo gaya ng laban sa isang tulisan? 53 Nang kasama ninyo ako sa templo araw-araw, hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin. Subalit ang oras na ito ay sa inyo at ang kapamahalaan ng kadiliman.

Ipinagkaila ni Pedro si Jesus

54 Pagkahuli nila sa kaniya, isinama nila siya sa bahay ng pinakapunong-saserdote. Si Pedro ay sumusunod mula sa di-kalayuan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes